Shy Niel Perez
...
N I E L
"Perez!" Malakas na sigaw ng professor sa apelyido ko.
"Present!" Tugon ko sabay taas ng kanan kong kamay. Muli akong bumalik sa pagmumuni-muni habang tinatanaw ang kawalan. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago isigaw ng aming prof ang pinakahihintay ko sa lahat.
"Class dismissed!" Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko maging ako ay nagligpit na rin ng aking mga gamit sa aking arm chair at sinilid ito sa aking bag. Isinukbit ko sa aking balikat ang bag ko bago tinungo ang hallway patungo sa cafeteria nitong university na aking pinapasukan.
Wala pa naman kaming masyadong ginagawa dahil kasisimula pa lang naman ng regular class for first semester ngayong linggo. Medyo nakakapagod lang dahil panay lamang kami pakilala sa lahat. Una, sasabihin mo ang buong pangalan mo maging kung ilang taon ka na. Tapos magkukwento ng kung anong mga bagay ang mahilig mong gawin. Medyo nakakaasiwa lang dahil palaging gano'n na lang ang ginagawa sa simula ng pasukan. Wala na bang ibang pwedeng gawin? Hindi ba pwedeng hayaan na lang natin na magkakilanlan ang isa't-isa. It's just so tiring saying your name repeatedly.
Matapos ang may kahabaang paglalakad ay narating ko ang cafeteria nitong university kung saan napagkasunduan naming magkakaibigan na magkita-kita. Medyo marami ang estudyante na naririto kaya naman nahirapan akong maghanap ng mauupuan.
"May nakaupo diyan." Napairap na lang ako sa hangin dahil sa paulit-ulit na pagsasalita na may nakaupo na dito sa mahabang mesang ito which in fact, wala pa naman talaga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang mga kaibigan ko. Kulang na nga lang ay maglagay ako ng paskil sa mesa na 'occupied' para less hassle na din. Pero parang magmumukha naman ata akong desidido na bawal maupo dito.
"Hey! Asan na sila?" Napalingon ako sa gilid ko nang maupo si Ashley sa tabi ko. Medyo magulo ang buhok nito na mukhang tumakbo pa ata sa isang marathon. Bahagyang inayos pa niya ang kanyang eyeglass bago ilapag ang makapal na libro sa ibabaw ng mesa.
"What's with the eyeglass, Ash?" Humigop ako sa iced tea ko na natunaw na lang ata ang yelo dahil sa tagal ng mga kaibigan ko dumating.
"You know, college life."
Nangunot ang well-trimmed kong kilay sa sagot niya.
"So?" Ano namang connect ng eyeglass niya sa college life? Nagmumukha lang siyang nerd sa hitsura niya except gusto niya lang talaga ng nerdy look ngayong college.
"Ang slow mo talaga kahit kailan. Of course, college na tayo, kailangan nating mag-iba naman ng style." Inikutan ko lang siya ng mata dahil sa pagkairita. Hindi naman ata required na magbago ng style kapag college ka na.
"Bagay ba? Ate Chrisel gave it to me." Gusto kong sagutin siya na 'wala akong pake' pero naalala ko, kaibigan ko pala ang babaeng 'to. She's still my friend at ayokong saktan ang feelings niya para lang sa hindi sa kanya bagay ang suot niyang eyeglass.