CASPER
Sabi nga nila mahirap maging mahirap ngunit mas mahirap ang taong walang pangarap, ngunit pano kung may pangarap ka nga madami na mang humahadlang? Diba dapat mayaman at mayaman lang ang nagkakainitan ngunit bakit pati kaming mahihirap ay nadadamay? Lalo na ang pamilya ko.
"Casper ikaw muna ang bahala kay Nanay, pupunta lang ako sa palengke"
Katok ni ate sa kwarto ko, alas singko palang ng umaga bakit ang aga naman yata niya? Baka may date.
"Sige ate ingat ka"
Sagot ko rito at lumabas na sa kwarto. Kumuha ako ng dalawang tasa at naglagay ng kape. Nang mayari ako ay pinatong ko ito sa kahoy na lamesa.
Pumasok ako sa kwarto ng aking Ina upang ayain itong magkape
"Nay, halina ho at magkape tayo sa labas"
Panimula ko rito, nadatnan kong nakatingin ito sa bintana at parang malalim ang iniisip.
"Sige anak at susunod na ako"
malungkot nitong tugon sakin at mahihimigan mong may masama itong nararamdaman.
"Nay ayos lang ho ba kayo? Naninikip ho ba ng dibdib niyo? "
taranta kong tanong rito."Ayos lang ako anak, may bigla lang akong naalala"
malungkot ngunit nakangiti nitong saad. Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang tinimpla kong kape at lumabas ng kubo upang mag muni muni.Napukaw ang atensyon ko ng makita ko ang isang bata at isang matandang lalaki. Na sa tingin ko ay mag ama, nakita ko kung paano alalayan ng ama ang anak niya upang hindi malaglag sa sakay nitong bisikleta.
Bigla ko tuloy naalala ang magagandang alala ng aking ama. Kung sana nandito ang siya siguro hindi lagi malalim ang iniisip ni nanay. Bata pa lang ako ng mamatay ang aking ama, binaril ito ng hindi nakikilang tao, nahuli ang bumaril ngunit hindi ito nagsasalita kung sino ang nag utos sa kanya at dumaan ang arae nalaman namin na pinatay na rin ito sa sariling selda.
Nang mamatay ang tatay ay napabayaan na ni nanay ang kanyang kalusugan at doon na nga nalaman namin na nagkaroon siya ng sakit sa puso. Nawala ang pag iisip ko ng biglang dumaan ang magagarang sasakyan sa harap ng bahay namin.Ito ang mga Salvador ang pinakamayan at maimplwesyang mga tao, merong magandang imahe ngunit pangit naman ang mga ugali. Galit na galit ito sa mga mahihirap lalo na sa amin. At hindi ko malaman kung bakit sila ganon. Halos lahat ng tao sa nayon ay galit sa kanila dahil sa pagiging sakim nila sa pera.
"Kapag ako nakapag tapos ng pag aaral at naging ganap na doctor, babalikan ko ang lugar na ito at ibibigay ko ang mga pangangailangan na hindi kayang ibigay ng mayayaman" bulong sa isip ko. Nawala ang pag iisip ko ng maramdaman kong may tumabi sa akin.
"Bakit parang ikaw naman ang malalim mag isip ngayon" natatawang asik ni nanay
"Iniisip ko lang Nay kung bakit ganon makitungo ang mga Salvador sa katulad natin"
deretsa kong tanong natigilan namn si nanay at umupo sa tabi ko."Hindi ko rin alam anak, siguro nabulag na sila sa pera at ang tingin na nila sa sarili nila ay diyos dahil nagagawa at nabbibili na nila lahat ng gustuhin nila. Hayaan mo na sila anak, hayaang mong karma na ang maningil sa kanila"
Nagulat ako sa huling sinabi ni nanay dahil mahihimigan mo ang pagkaseryoso at galit rito. Na para bang may hinanakit itong tinatago.
"Naku, Nay hintayin niyo lang makapagtapos tong bunso niyo, at lahat din ng gusto niyo ay ibibigay ko sa inyo" pagiiba ko ng tono dahil sobrang seryoso nito kanina tumawa lang ito at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Chasing you
RandomSee it for yourself. se·cret : keeping information hidden from others love : a feeling of strong or constant affection for a person re·venge : to avenge (oneself or another) usually by retaliating in kind or degree sac·ri·fice :the act of giving u...