IX

4 1 0
                                    

Christine

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa aking pinagtatrabahuhan.

Naghanda ako ng aming kakainin.

Kasalukuyan akong naglalaga ng kamote at talong. Tulog parin sila nanay at Casper.

Maaga pa naman kaya hindi ko muna sila ginising

Naupo ako saglit habang hinhintay na lumambot ang kamote.

Ng biglang tumunog ang de keypad kong cellphone binuksan ko ito at galing ito sa pinagtatrabahuhan ko

Manager

We received a lot of complaints regarding to your attitude, Ms Andrade. They suggest that we should fire you before this issue burst. I'm sorry Ms. Andrade, I can't do anything about it. You're fired.

Tinignan ko ulit ang text at baka nagkamali lang pero hindi maaari dahil she mentioned my surname.

My attitude? Kelan pa ako nag attitude?

Kahit galit na galit na ako sa customer never akong nag attitude.

Sinubukan kong tumawag sa manager upang linisin ang pangalan ko ngunit cannot be reach na.

Minuto ang lumipas ay tumunog ulit ang cellphone ko.

093697*****

You like it? I'm not done yet!!

Hindi ako nakapagtapos pero marunong akong umunawa ng english.

Nagustuhan ko ang alin? At hindi pa daw siya yari??

Nag isip ako hanggang sa....

Ang hayop nato ang nagpatanggal sa akin sa trabaho..

Tinawagan ko ito at katulad ng nauna ay hindi ito sumagasagot.

Napahilamos nalang ako at napadukdok sa lamesa.

Ganon ang posisyon ko ng maabutan ako ni nanay na mukhang kagigising lang

"Anak may problema ba?"

Nagaalalang tanong ni nanay.

"Nay tinanggal ho ako sa trabaho sa mga bintang na hindi naman totoo" para akong batang nagsusumbong.

"Halika at pupunta tayo doon upang makapagpaliwanag ka" aya ni nanay at kinuha ang kamay wari ay inaaya ako nito

"Hindi nila tayo papakinggan Nay, may naguutos sa kanila.. May nakuha ho akong text kanina sa hindi ko ho kilalang tao.. Ang sabi ho Nagustuhan ko daw ba? Hindi pa daw siya tapos?"

at pagkatapos kong sabihin iyon ay muntik mg matumba si nanay mabuti nalang ay naalalayan ko

"Nay bakit ho? Ayos lang kayo? "

Nag aalala kong tanong

"Diyos ko wag naman sana, hindi pa sila tapos? Ano paba ang kailangan nila satin" napahagulgol si nanay sa galit

May alam si nanay? Gulong gulo man ay pinilit kong hindi na ito tanungin. Kumuha ako ng tubig at pinainom ito.

"Nay humiga muna ulit kayo upang makapagpahinga baka atakihin kayo niyan" inalalayan ko ito hanggang sa papag at pinahiga ito.

Lumabas ako upang tignan kung gising na si Casper, at nagulat ako ng nasa lamesa na ito hawak ang cellphone ko

"Casper gising ka na pala, halika kumain kana" masaya kong bati dito

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon