XI

0 0 0
                                    


Casper

Dalawang araw na ang lumipas simula noong umamin sa akin si Miguel, at dalawang araw ko na din siyang iniiwasan. At para maiwasan siya ay si Timothy ang nakikita kong taong makakatulong sakin.

Kasi panadya naman talaga ang tadhana kung kelan kailangan ko ng kaibigang tutulong sakin doon pa naisipang umalis ni Elle.

Kahapon ay nagchat ito sa akin at sinabing kailangan ng family nila na pumunta ng US dahil sa wedding ng kapatid niya.

At eto ako ngayon sinisiksik ang sarili kay Timothy.

"Pumasok kana, malalate na ako" saad ni Tim habang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.

At kahit anong higpit ko ay nagawa parin niyang alisin ito sa akin. At sa huli ako rin ang sumuko

"Oo na, ge umalis kana salamat.. " pagpapaalis ko rito.

Siguro nagtataka ito, kung bakit lagi akong nakadikit sa kanya. Alam kong gustong gusto na nyang magtanong ngunit hindi niya ginagawa.

Pag pasok ko sa pinto ay marami rami narin ang estudyante, at sa kamalas malasan ay na tuon pa ang aking mga mata sa taong pilit kong iniiwasan

Nakatingin din ito sa akin ng makahulugan at sinundan ng nakakalokong ngiti

Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretsong umupo sa aking upuan, na kaharap lang niya.

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng maramdaman kong may kumakalabit sa likuran ko, hibdi ko sana papansin ngunit sunod sunod na kalabit ang naramdaman ko, na kinabwiwisit ko talaga.

Tumingin ako rito ng masama, at kinuba ang papel na inabot nito.

Binuksan ko ang papel at may nakasulat na

LET'S TALK PLEASE <3

Nilamukos ko lang ito at binulsa..

Wala pang kalahating minuto ang lumilipas ng may kumalabit na naman sakin, at sa oras na yon ay hindi ko na talaga pinansin.

Ang akala kong pagtigil nito ay ito na rin ang oagsuko nito ngunit nagkamali ako.

Narinig ko ang dahan dahang paglapit na upuan nito sa gawi ko. At talagang amoy na amoy ko ang pabangi nito na oara bang oag lumingon ka ay makaka face to face mo jto

As I expected hindi na ito tumigil kakalabit sa akin at hindi na ako makafocus sa tinuturo ng prof sa harap

At dahil sa inis ay na patayo ako at hinarap ito ng hindi nag iisip

"ANONG BANG PROBLEMA MO??" malakas kong hiyaw dito

At saglit na tumahimik ang buong klase, napatingin ako sa paligid at huli na ng marealize ko ang ginawa ko.

Naputol ang katahimikan ng galit na sumigaw ang prof namim

"MISS ANDRADE GET OUT"

matigas nitong bigkas

Teka? Bakit ako lang? Unfair naman

"How about Mr. Ramos maam.? Siya po ang nauna.."

Pagsusumbong ko

Hindi na nakapag salita pa ang prof namin ng tumayo si Migs

" She's right Ma'am, I need to be punish too"

Buti alam mo

Halos kakasimula palang ng klase na yon, pero dahil puro lecture lang naman ang ipapagawa non hindi na ako nagreklamo at lumabas na ako.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon