VIII

2 1 0
                                    

Casper

"Congratulation CL mah best friend!!.. Kayo ang highest, Deserve niyo naman na maperfect sobrang galing niyo kaya.."tili ni Elle habang niyuyugyog ako

"Salamat, diko naman magagawa yon kung hindi kami nagtulungan ni Miguel" paliwanag ko rito.

"Iba talaga kapag may Miguel hano, swerte mo!" asar nito sa akin. Heto na naman siya.

Inirapan kolang ito na kinatawa naman niya. Lumingon ako sa likod ko nakita kong nakadukdok ito sa kanyang upuan.

Balita ko kase hindi siya sa condo umuuwi kundi sa bahay nila upang maalagaan ang nanay tapos dito na siya dederertso pagpapasok. Siguro ay pagod ito.

Hindi ko na ito ginising at baka pagod talaga ito

Malaki ang nagbago sa pananaw ko kay Miguel simula ng makausap ko siya sa condo nya. Hindi naman makakaila na gwapo ito at sobrang linis sa katawan. Pero hindi don sa mga factors na yon nag iba ang tingin ko sa kanya. Ang pagiging responsable at maalaga ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, not romantically ah

Dumaan ang lunch ay mukhang wala talagang balak gunising ang lalaking to.

Nagpaalam ako kay Elle na baka si Miguel muna ang kasabay ko ngayon, gusto kolang siyang itreat kahit sa mumurahing pagkain. Sabi ko ay sumama siya sa amin para mas masaya, ngunit tumanggi ito at nakakalokong ngiti ang iniwan sa akin.

Papalapit ako ngayon sa lalaking kanina pa nakadukdok. Ginalaw ko ng mahina ang balikat neto upang malaman niyang nandito ako. Dalawang beses ko pa siya ulit tinapik na medyo nilakasan kona

"Ah Miguel.. " nauutal kong saad habang tinatapik muli ito

Gumalaw ito at inangat ang ulo mawawari moy kagigising lang

"Lunch na, ano ka-se b-aka-

SHIT NAYAN KAYA KOTO!

Nakatingin ito wari ay hinihintay ang idudugtong ko

"Baka malipasan ka, Oo baka malipasan ka... "

HINDI KO TALAGA KAYA!!!

"Baka magpapahinga muna ako ikaw bakit hindi kapa naglulunch...?"

Hinihintay kasi kita.

HUHU KAYA KOTO. MALAYO SA ATAY

"Ano kase hinihintay talaga kita. Para ano sabay tayo, libre ko kaso baka sa karindirya lang" nahihiya kong sagot dito.

With confidence pa potangina....

Tumingin lang ito sa akin at hindi nagsalita. Gaga ka Cl mayaman yan tapos aayain mo sa karindirya tsaka pagod nga diba boba talaga...

"Wag na lan-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumayo ito at sinukbit ang bag nito. Ngumiting humarap ito sa akin at dahan dahan hinawakan ang kamay ko

Ako naman ay hindi makagalawa sa ginawa niya nabalik lang ang wisyo ko ng magsalita ito

"Let's go, Your treat ah walang bawian...Nakakawala talaga ng pagod pag ganito.... " hindi ko na naring ang huling sinabi nito dahil hinatak na ako nito palabas ng room.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakatingin ang mga estudyante sa amin specially sa kamay namin na magkadikit.

Balak ko sanang bawiin ang kamay ko ng lalo niya itong hinigpitan, tinignan ko naman ito at halos hanggang tenga ang ngiti

Nakarating kami sa karindirya at medyo marami ang tao, huminto ako na ikinahinto rin niya

"Why..?" takang tanong nito

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon