III

6 2 0
                                    

CASPER

Nagising ako sa sunod sunod na tilaok ng manok tumingin ako sa orasan na nasa pader alas siete na pala,

WAIT? ALAS SIETE? Pota. Mabilis akong tumayo sa papag at lumabas ng kwarto, pinulot ko ang twalya sa upuan at mabilis pumunta sa paliguan, hindi ko na nagawang makakain, mabilis akong nagmano kay nanay na kasalukuyang nagluluto. Pinapakain pa ako nito ngunit sinabi ko na mahuhuli na ako sa klase ko.

Hindi ko narin nagawang daanan pa si Timothy, pumunta na akong sakayan at mabuti nalang ay mabilis akong nakasakay

Pagkababa ko ay mabilis kong tinap ang id ko at tumakbo sa abot ng aking makakaya,

Nang makarating ako sa room ay bukas pa ang pinto ibig sabihin ay hindi pa ito nagsisimula.

Pagpasok ko ay may isang lalaking nakatayo sa harap na wari mo ba ay nagpapakilala. Ngunit naputol ito ng tumingin sa akin lahat ng estudyante kasama na si Mrs. Tu.

"Masyado kang maaga Ms. Andrade para sa second subject mo" masungit nitong turan sa akin, diko ito pwedeng patulan at baka ibagsak ako.

"I'm sorry Maam, It won't happen again" malumanay kong sagot. Umirap naman ito at sumenyas na pumasok na ako.

Hindi ko parin nakikita ang mukha ng lalaking nasa harap. Papaupo na ako ng magsalita si Mrs. Tu.

Napapikit naman ako baka ito na ang punishment ko.

"Ms. Andrade as your punishment, you will be the one responsible for Mr. Ramos. Tour him around this university. Understood? " maotoridad nitong asik sa akin.

Ano pa nga bang magagawa ko. Pwede ba akong tumanggi? Sige.

"Yes Maam" sagot ko habang nakapikit padin. SIge di ako makakatanggi.

"Mr. Ramos please choose your seat"

Bat pag sa kanya ang lumanay? Kairita ah.

Umupo ako at binuksan ko ang mata ko at huminga ng malalim. Nakita ko ang lalaki na papalapit sa pwesto namin. Teka? Pamilyar to ah, san ko nga ba to nakita? Habang nakatingin ito sa likurang bahagi ko kung saan may upuang walang nakaupo. Kinikilig pa ang mga babaeng dinadaanan niya.

Umupo na ito sa likuran namin. Pero hanggang ngayon iniisip parin kung san ko ito nakita. Hindi mo mitatanggi gwapo ito, matangos ng ilong, tisoy, chinito at higit sa lahat mabango. Gago anong nangyayari sakin?
Nawala ang iniisip ko ng may yumugyog sa akin

"Hoy Cl kanina pa ako daldal ng daldal dito di kanaman ata nakikinig eh" masingit na turan ni Elle

"Ha? Ano ba yon? " tanong ko rito

"Sabi ko ang gwapo nung transferee" Kinikilig nitong sagot

"Alam ko, nakikita ko" sagot ko sabay dukdok

"Type mo? " curious na tanong nito

Umiling ako bilang sagot. Di na ulit kami nagusap dahil magsimula na ang klase. Habang nasa kalagitnaan ng discussion ay biglang pumasok sa isip ko angblouse na binigay sa akin. Pinagmasdan ko sa isip ko ang lalaking nagbigay sakin nito. Pa ulit ulit itong lumalabas sa isip ko ng biglang nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko upang kumpirmahin amg hinala ko. At BOOM siya nga! Siya nga ung nagbigay ng blouse.

Sa sobrang pagkabigla ko ay napatayo ako. Na kinatigil naman ng klase ni Maam Tu.

"What seems to be the problem Ms. Andrade, your Interrupting my class" galit nitong sigaw

"Im sorry Maam, its just uhm.."

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon