CASPER
"Let me protect you" seryosong saad ng lalaking kakaalis alis lang.
Ako naman ay tulala at pinoproseso ang sinabi niya, baka nalipasan lang ng gutom.
Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga salitang iniwan niya, siguro ay pinagtitripan lang ako ng gago nayon.
Limang minuto ang lumipas ay dumating si Elle na may dala dalang jollibee.
"Heto oh kumain na tayo at magtutuos pa tayo mamaya" at seryosong nakatingin ito sa akin
Inirapan ko nalang ito at kinuha ang pagkaing dala nito. Humatak kami ng dalawa pang desk para patungan at hinarap ito sa amin. Sinimulan na namin ang aming pagkain, at wala ni isang nagsasalita sa amin. Lagi kong nahuhuling masama ang tingin sa akin ni Elle at pagsinasalubong ko naman ay mabilis itong ummiiwas.
Matapos naming kumain ay may 30 minutes pa bago magsimula ang klase at wala pang estudyanteng pumapasok kundi kami palang dalawa. Akmang tatayo ako upang I tapon ang walang lamang box ng jollibee ng hawakan ako sa kamay ni Elle at pinaupo ng maayos.
Tumingin ito ng deretso sa akin at bumuntong hininga.
"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari sayo, gusto ko walang labis walang kulang" may pagbabanta nitong tono.
Wala na akong nagawa kung hindi Ikwento dahil hindi naman ito titigil kakakulit.
*Flashback*
Pagkayari kong ibaba ang tawag kay Tim ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan hanggang sa may gate, dahil kanina lang ay nararamdaman ko amg presensya ng lalaking kasama ko.
Pumunta ako sa pinakamalapit na paradahan at saktong isa nalang ang natitirang tricycle. Mabilis akong sumakay at sinabi ang destinasyong tatahakin namin
Medyo naging mabagal ang bahay dahil narin sa may katandaan na ang nagmamaneho kaya mabagal itong magpatakbo.
Ilang sandali pa ay bumaba na ako sa mismong pagliko ng eskinita dahil doon naman ako madalas bumaba, inabot ko ang bayad at nagpasalamat ako
Medyo madilim na at kaunti nalang ang taong makikita, puro kakahuyan na ang mararaanan pagkayari ng sunod sunod na bahay. Medyo malayo pa ang bahay namin sa eskinitang pinasukan ngunit walang magagawa kung hindi lakarin sapagkat hindi kakasya ang may tatlong gulong na sasakyan.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maramdaman kong wari ay may sumusunod sa akin, lingon ako kabilat kanan ngunit wala akong nakita, at ng ibalik ko sa harap ang tingin ko ay napatalon ako sa gulat ng may isang lalaki, hindi dalawang lalaki dahil nakatago ang isang lalaki sa tabi ng madilim na puno.
Dahan dahang lumalakad ang lalaki papunta sa akin. Nakaramdam na ako ng kaba at hindi maipaliwanag na pikramdam.
Paatras na ang lakad ko, papabilis na ng papabilis, kasing bilis ng paglakad ng lalaki papunta sa akin. Waring tatalikod na ako upang tumakbo ng humarang sa akin ang lalaking nakatago sa puno kanina.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Walang duda ako talaga ang hanap ng mga ito.
"Anong kailangan niyo sakin?" tanong ko habang kaliwat kanan ang tingin, upang tignan kung ano ang gagawin ng mga ito sa akin.
Biglang ngumisi ng nakakagago ang isang lalaking nakatago kanina sa puno
"May mga tanong lang kami na kailangan mong sagutin" mapapansin ang mapaglarong ngiti nito
"anong tanong? Huwag lang math mahina ako don" bakit ba nagagawa ko pang magbiro, tangina shit talagang bibig to.
Kumunot ang noo ng mga ito
BINABASA MO ANG
Chasing you
RandomSee it for yourself. se·cret : keeping information hidden from others love : a feeling of strong or constant affection for a person re·venge : to avenge (oneself or another) usually by retaliating in kind or degree sac·ri·fice :the act of giving u...