LUISITA
Araw araw gigising ka ng may bigat, poot, at hinanakit sa puso. Dahil sa mga pangyayaring hindi kayang kalimutan ng pikit, tulog at saya. Pangyayaring laging sumasagi sa isip ko, pangyayaring nagbibigay sakin ng dahilan para lumaban. Lumaban para sa sarili ko at para sa mga anak ko.
"Nay pasok na ho ako, sasabay na ho ako kay ate, tumawag ho kayo kapag may kailangan kayo" kumaway na lumabas sa pinto ang aking bunsong anak
Ngumiti lang ako rito at kumaway pabalik. Napaka swerte ko at magkaroon ako ng mga anak na katulad nila, di ko kakayanin kung pati sila ay mawala at madamay sa gulo na meron ang pamilya namin laban sa mga Salvador.
"Apakan at saktan niyo lang ako mga Salvador, ngunit huwag na huwag ang mga anak ko"
CASPER
Nasa harap na ako ng unibersidad at tulad ng inaasahan madaming bagong mukha at studyanteng pumapasok.
Naglakad na ako papasok ng maalala ko si Timothy, teka bat nga pala hindi sumabay sakin yun? Bahala nga siya.
Pagpasok ko sa classroom ay may iilan ako kakilala ngunit lamang parin ang mga bagong mukha. Nakita kong bakanteng upuan sa may bandang bintana kaya napagdesisyunan kong doon umupo. Dumukdok at pumikit habang hinhintay ang proof namin
Saglit lang ang dumaan ay may naramdaman akong may umupo sa tabi ko. " Excuse me miss, may nakaupo ba dito? " inangat ko ang ulo ko upang sagutin ang magtanong ng makilala ko kung sino ito. "Danielle?" taka kong tanong.
"CL OWMYY classmate tayo!" tili nito habang hinahampashampas ako.
Si Reelannie ay kaklase ko dati. Anak ng isang stockholder dito sa skwelahn pero di mo makikitahan ng kayabangan at sobrang bait pa.
"Alam mo CL dati pa kita gustong maging kaibigan nahihiya lang ako mag approach" paliwanag nito habang nagpapacute.
"Ikaw pa talaga nahihiya sakin? Diba dapat ako? ang isang Danielle Chua gusto ako maging kaibigan? " asik ko dito gamit ang tonong di makapaniwala.
"Totoo nga kasi, And Stop calling me Danielle it's sounds like a boy, call me Elle okay? And from now on were inseparable. "
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang proof namin, as usual first day of school.
Di mawawala ang walang katapusang INTRODUCE YOURSELF!! at ngayon heto at nakatayo ako sa harap ng mga kaklase ko.
"Casper Louisse Perez Andrade, CL for short. Nice meeting you'll."
Sabay upo sa aking silya. Nang matapos ang lahat ay sinabi na samin ang mga rules and regulations, mga subject at schedule at mga challenges bilang isang med student.
"CL tara na lunch na, sabay na tayo" aya ni Elle sakin.
Akalain mo yun tumulala lang ako saglit maglulunch na pala. Gusto ko sanang samahan siya kaso di kaya ng badget ko baka kasi mag aya siya sa mamahalin. Pang karindirya lang ako. Asan ba kasi si Tim bat hindi nagpaparamdam ang gago na yon.
"HA? Ano kase-e dipa ako gutom, oo dipa ko gutom! Mauna kana! " pagtanggi ko dito kumunot naman ang mukha nito n parang hindi naniniwala.
"Hindi na rin ako kakain kung ayaw mo"
sabay upo sa tabi ko habang nakasimangot.
"Ano ka ba! Di talaga ako gutom. Sige na at kumain ka na" saway ko dito ngunit hindi niya ako pinansin at dumukdok lang sa desk.
"ayaw mo lang akong kasama eh" maungkot nitong tugon habang nakayuko.
"Totoo naman" sagot ko.
Mabilis na umangat ang ulo nito at masamang tumingin sakin."ANO?! " sigaw nito sakin
"Ayaw kitang kasamang kumain, at hindi ko afford yang mga kinakain mo. Pang karindirya lang ako" pag amin ko rito.
Huminahon ito at nakangiting tumingin sakin.
"Well ako afford ko ang kinakain mo, kaya halika na at kumain na tayo " sabay hila sa akin.
Nakita ko nalang na dinala niya ako sa karindiryang malapit sa University. Dito kami madalas kumain ni Tim. Umorder kami ng pagkain at humanap ng mauupuan.
Nang makahanap kami ay naupo na kami, at nakita ko sa tabi namin ang isang pamilyar na likod may kasama itong babae. Tumayo ako upang siguraduhin ang hinala ko.
"Timothy? Anak ka ng teteng nandito kalang pala" sabay kunyaring babatukan ito.
Tumingin ito sa akin habang nginunguso ang kasama niya, na nagpapahiwatig na mamaya na kami mag usap.
"Huwag mong banatan ng mga corny mong jokes " mahina kong bulong sabay tawa ko ng mahina at ngsmirk bago umalis.
"Bakit nga pala parang iba na ang kasama ni Tim ngayon? " tanong ni Elle pagkatapos kong umupo.
"Iba? O iba iba? " sinubukan kong lakasan ito upang marinig niya. Narinig ko naman na may biglang tumikhim.
"Gaga ka, selos kaba? " tanong ni Elle habang may makahulugang ngiti.
"Selos? Ako? Over my dead gorgeous body" sagot ko rito.
Nang mayari kami ay sabay kaming pumasok ni Elle sa room habang naglalakad kami hindi ko mapigilang magtanong sa kanya.
"Hindi kaba nahihiya na ako ang kasama mo? I mean bakit hindi yung mga kasing taas mo, yung kayang kumain sa mamahaling restaurants? Yung may mga magagarang sasakyan " sunod sunod ko tanong dito napahinto naman ito at masamang tumingin sa akin.
Pati ako ay napahinto na rin."Can you stop saying nonsense " sagot nito sa akin
"Im just asking " balik ko rito.
"Why would I? Masama kabang tao? Magnanakaw? Mamatay tao? Hindi diba, At ang mga nakikita mong matataas na studyante magagarang kotse at nagpapalakpakang wallet ay hindi sa kanila yon, Sa mga magulang nila yon. At aanhin ko naman ang mga ganong kaibigan kung alam ko namang hindi naman talaga sila totoo, they are just a spoiled brat na walang ginawa kundi mambackstab." galit nitong sagot sa akin
"Baka kasi may masabi sila tungkol sayo kapag lagi kang nakasama sa akin" paliwanag ko rito
"And so what? Ano naman pakielam ko sa kanila. Basta never kitang ikakahiya dahil first and for most wala namang kahiya hiya sayo."
Napangiti naman ako sa sagot nito. Pumasok kami sa classroom ng hanggang tenga ang ngiti. Sakto ay nandon na amg proof namin
"Okay guys listen up! We have a new transferee tomorrow, He couldn't able to attend today because he just came yesterday. Please be good at him."
Sigurado ako stockholders ang mga magulang niyan dahil meron pang special mention. Halos ganyan silang lahat sa mga anak ng stockholders kaya nasanay na ako even si Elle.
Sino kaya siya? Mabait kaya? Mayabang? Matalino? Gwapo? Teka Gwapo? San ko nakuha yon?
"Nababaliw naba ako? Ano ano nalang pumapasok sa utak ko" sabay gulo ng buhok ko at nagpaladyak
BINABASA MO ANG
Chasing you
RandomSee it for yourself. se·cret : keeping information hidden from others love : a feeling of strong or constant affection for a person re·venge : to avenge (oneself or another) usually by retaliating in kind or degree sac·ri·fice :the act of giving u...