Third Person POV
Namangha ang lahat ng Avrians
A/N: ( Avrian ang tawag sa tao, Avrial naman sa lugar, Avria naman ang pangalan ng bida).
Isang di matatawarang malakas na enerhiya na tumapos sa laban. Ang babaeng naka cloak, na hindi nila alam kung sino o kung saan nanggaling. Iniisip ng lahat na kung hindi lang nakita ang Prinsesa Avria ay maaaring siya ito.
Ngunit hindi.
Siya ay isang estranghero na tumulong lamang laban sa Darkyens. Nawalan ng malay ang babae pagkatapos magpakawala ng malakas na enerhiya. Binuhat siya ni Prinsipe Ark at dinala sa hospital ng Academia.
Marami ang nasawi sa kawal, marami ang sugatang estudyante na ginagamot sa palagamutan. Tumulong ang mga healers sa paggamot sa mga estudyante.
Sa kabilang banda naman ay naroon ang anim na estudyante na tinitingnan ang babeng nakahiga sa kama. Merong nagtataka, namangha at masaya dahil madadagdagan na naman ang mga Avrians sa Academia. Isa siyang Light User.
Isang kapangyarihang tinataglay lang ng isang tao, ang Prinsesa. Pero bumabagabag sa kanila kung bakit may isa pa.
Hindi pa nila natitignan ang kalagayan ng babae dahil sa patakaran ng academia na hanggat hindi rehistradong istudyante ng paaralan ay hindi pwedi itong gamutin ng mga healers ng academia.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong pinakaimportanteng tao sa academia. Ang triplets na sina Headmaster Jin, Head Trainor Vin at Nurse Yin.
"Siya ba iyon?"
Tanong ni Headmaster Jin.
Tumango naman ang anim. Tiningnan niya ang babae. Napahinto naman siya ng nabasa ang nakaraang ng babae.
"Kahanga hanga, kailangan siyang ipasok sa academia. Malaki ang maitutulong nito sa Academia."
Tumango naman ang kaniyang mga kapatid bilang pag sang ayon.
“Natingnan na ba siya?"
tanong ni Nurse Yin.
Umiling naman ang babaeng iniligtas ni Avria.
"Hindi pa po Nurse Yin. Maraming pasiyente na nasa kritikal ang kondisyon ng dahil sa labanan. Hindi naman po siya matignan ng mga healers dahil sa labag po iyon sa patakaran."
Tumango naman si Nurse Yin
"Kamusta ka Ella. Nagamot kana ba? May tama ka daw sabi ni Stella kanina?"
Napatingin naman ang babae sa kapatid.
"Opo. Ginamot na po ako ni Genieva kanina"
Napabuntonghininga ang Nurse at tumango.
"Mabuti naman kung ganoon. Sa sunod ay mag ingat ka."
Pumunta ito kay Avria para tingnan ang kalagayan nito.
Chi-neck naman nito ang pulso at katawan nito kung may sugat.
Napasinghap naman ang lahat nang tinanggal ni Nurse Yin ang Cloak ni Avria.Napakaganda. Diyosa. Yan ang nasa isip nila. Napakaganda pa kay Prinsesa Avria na kanilang kilala. Napatingin naman si Prinsipe Ark sa Prinsesa.
Inggit.
Yan ang nakikita niya habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama. Umiling lamang ang Prinsipe sa Prinsesa. .
"Ipapasok mo ba talaga siya sa Academia Kuya?"
Tanong ni Nurse Yin sa kapatid.
"Oo, Malaki ang maitutulong niya sa atin. Isang pambihirang lakas ang kaniyang taglay na tanging siya at ang prinsesa ang meron nito."
Tumango naman ang lahat bilang pagsang ayon.
A/N
Short Update? Haha Tinatamad lang.All right reserved 2021
BINABASA MO ANG
Rightful Highneses (TagLish Story)
FantasyShe live in a normal life in a normal world but suddenly step into the world that she doesn't know it exist. She was afraid to enter in the World of Magic. She was terrified because she was different. She thinks she is not belong on that world becau...