Tarantadong Lalaki

366 4 2
                                    

Tarantadong lalaki
Ang alam ng  nakararami
Ngunit bakit nga ba ito ang kanilang sabi?
Sa ngayon, atin muna itong isantabi.

Ikaw bang tao ay nagkamali na?
Kung hindi pa
Masasabi mo bang tao ka?
O asal animal na?

Ngayong lumalabas na ang tunay na kulay
Magiging ayos pa ba ang iyong buhay?
Kung ikaw na tarantandong lalaki
Ngayon ay di mapakali

Bakit di mo ngayon sabihin
Kung ano ang iyong tunay na damdamin
Maaari mo ba kaming dalhin
Sa iyong nakakasulasok na lihim

Alam kong maraming hindi ka matatanggap
Wag kang magalala
Magaling naman silang magpanggap
Kaya wag ng ipagkaabala

Ang sinasabi ng iba
Sino nga ba sila
Taong mapanghusga
Lalaking tarantando ang turing sa kanya

Maaaring sya ay isang gambala
O isang halimbawa
Kung paano na nakawala
Ang lalaking tarantadong walang awa

Untitled Emotions Where stories live. Discover now