Ako rin ba ang iyong sinisinta
O sa aking panaginip nalang kita maipipinta
Mabubulaklak mong salita
Kalakip nito ang masamang balitaHindi lang ako, hindi lang pala ako
Ang pinangakuan mo
Ng bahay lupa at masayang pamilya
Planong kay saya ; ngunit tadhana'y madayaIto na nga ba ang sinasabi nila?
Na tayo'y pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Wag na nga sanang pagtagpuin pa
Ang mga landas na sa atin ay nagpahamakAyaw ko nang makita pang muli
Ang sarali kong umiiyak at umaasa sa huli
Kakalimutan na kita
Ngunit mananatili pa rin ang ating alaala