Magpakilig o mangwasak, ikaw ang bahala! Dahil ngayong Pebrero, Love Online, Love on the Line ang ating tema.
Para sa mga nakaranas ng quaran-flings diyan, heto na ang chance ninyong ibahagi ang inyong karanasan! Sa mga hindi naman nakaranas nito (iyak muna sandali), alam naming may ibabahagi pa rin kayo tungkol sa paghahanap ng love life online.
Ano pang hinihintay ninyo? Sa loob ng 500-1 000 words, sumulat ng maikling kuwento patungkol sa ating tema. Gawing gabay ang mga sumusunod na retrato para mas maging inspired kayo magsulat!
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila.
Tara, sulat na!
Sundin lamang ang paraan ng pagpasa ng entry:
Title:
Link:
Word Count:
Genre:
Magsisimula ang pasahan ng entries simula Day 7 hanggang Day 21 ng Pebrero ng buwang ito. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.
Huwag kalimutan ang tags:
#WattpadAThonChallenge2021
#WattpadFebruaryEntry
Paalala: Isang entry sa bawat theme sa isang Wattpad Account lamang. At dapat bago ang likha o gawa ang iyong ipapasa na entry.
Paalala: Hindi kami tatanggap ng entry na isesend bilang direct message.
BINABASA MO ANG
Write-A-Thon Challenge
RandomWelcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!