Marso na mga ka-Wattpaders at alam naming nananabik na kayong sumulat kaya hindi na natin patatagalin pa dahil ang tema natin para sa buwan na ito ay Be Brave, MarchAng buwang ito ay International Women's Month kaya angkop ang tema natin sa ating challenge ngayon.
Handa na ba kayo? Sa loob ng 500-800 na salita, paano maipapamalas ang pagiging matatag ng isang babae sa kabila ng napakaraming pagsubok sa kanyang buhay? Dapat ang iyong entry ay walang mababanggit na harasan at walang negatibong salita ang mapaloob sa iyong ipapasang entry. Gawing gabay ang mga sumusunod na retrato para mas maging inspired kayo magsulat!
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila.
Tara, sulat na!
Sundin lamang ang paraan ng pagpasa ng entry:
Title:
Link:
Word Count:
Genre:
Magsisimula ang pasahan ng entries simula Day 7 hanggang Day 21 ng Marso ng buwang ito. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.
Huwag kalimutan ang tags:
#WattpadAThonChallenge2021
#WattpadMarchEntry
Paalala: Isang entry sa bawat theme sa isang Wattpad Account lamang. At dapat bago ang likha o gawa ang iyong ipapasa na entry.
Paalala: Hindi kami tatanggap ng entry na isesend bilang direct message.
BINABASA MO ANG
Write-A-Thon Challenge
RandomWelcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!