Paano nga ba panatilihin ang init at siklab ng pagmamahal sa isang relasyon? Gaano nga ba kapursigidong isalba ng isang taong nagmamahal ang apoy ng pag-ibig na unti-unting natutupok ng lamig at sakit? May pag-asa pa bang isalba ang alab nito?
Sa pagbubukas ng buwan ng Marso, nais naming malaman mula sa inyo ang sagot sa mga nasabing katanungan.
Ibahagi ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang maikling kwento (isang kabanata lamang) na may 500 to 800 na bilang ng salita at nasusunod ang temang "Fiery Love, Keep It Burning".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
Sundin lamang ang paraan ng pagpasa ng entry:
Title:
Link:
Word Count:
Genre:
Magsisimula ang pasahan ng entries sa ika-8 hanggang ika-20 ng Marso. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.
Huwag kalimutan ang tags:
#WattpadAThonChallenge2022
#WattpadMarchEntry
Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad account lamang. At dapat bagong gawa o likha ang iyong ipapasang entry.
Paalala: Hindi kami tatanggap ng entry na ise-send bilang direct message.
BINABASA MO ANG
Write-A-Thon Challenge
RandomWelcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!