Napaglaruan? Napag-trip-an? Paano kung ang bawat hindi magandang joke na ginawa mo ay kapalit din na kahihinatnan? Maaaring bumalik ang birong iyon sa iyo o kaya naman ay mas malala pa ang kalalabasan? Ano ang gagawin mo?
Ngayong buwan ng Abril, pag-usapan natin ang April Fool's at ang mga consequences ng mga birong maaaring nakakasakit na sa iba.
Sa loob ng 500 hanggang 800 salita, ibahagi ninyo sa amin ang mga posibleng scenario kapag hindi tayo gumawa ng magandang biro sa iba at nakasunod din sa temang "Jokes Gone Wrong".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
Sundin lamang ang paraan ng pagpasa ng entry:
Title:
Link:
Word Count:
Genre:
Magsisimula ang pasahan ng entries sa ika-8 hanggang ika-20 ng Abril. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.
Huwag kalimutan ang tags:
#WattpadAThonChallenge2022
#WattpadAprilEntry
Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad account lamang. At dapat bagong gawa o likha ang iyong ipapasang entry.
Paalala: Hindi kami tatanggap ng entry na ise-send bilang direct message.
BINABASA MO ANG
Write-A-Thon Challenge
RandomWelcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!