Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinangarap na landas na tatahakin. Ngunit sa mundo, hindi lamang iisang daan ang ilalatag sa'yo. Paano kung dumating sa puntong kailangan mong mamili sa dalawang landas : pangarap o buhay.
Ngayong buwan ng Mayo, pag-usapan natin kung ano nga ba ang mga dahilan kung ano ba nga ang pinipili sa dalawang bagay na nabanggit.
Sa loob ng 600-800 na salita, magsulat ng isang maikling kwento na sasagot sa inilapag na katanungan at nasusunod ang temang "Life Over Dreams".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain, at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
I-click lamang ang link na ito upang opisyal na maipasa ang iyong entry. Hindi na kami tatanggap ng entry na ise-send bilang direct message o comment.
Magsisimula ang pasahan ng entries sa ika-8 hanggang ika-20 ng Mayo. Dapat sumunod sa mga nakatalagang araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.
Huwag kalimutan ang tags:
#WattpadAThonChallenge2022
#WattpadMayEntry
Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad account lamang. At dapat bagong gawa o likha ang iyong ipapasang entry.
BINABASA MO ANG
Write-A-Thon Challenge
RandomWelcome sa Write-a-thon Challenge, kung saan bawat buwan ay may aabangan kayong writing challenge! Ano pa ang hinihintay mo? Sali na!