Wattpad AgosTula

1.3K 70 109
                                    


Kamusta Wattpaders!

MALIGAYANG BUWAN NG MGA AKDANG FILIPINO!

Bilang pakikiisa, naririto na muli ang ating Write-a-thon! Ngayong buwan, mayroon na naman tayong bagong writing challenge na may temang:

AgosTula

Kung interesado, basahin lamang ang mga sumusunod:

1. Ang bawat kalahok ay dapat makapagsulat ng tula na hindi lalagpas sa 300 salita. Kahit anong anyo o tugmaan ay maaaring isali basta ito ay dapat na bagong tula (orihinal na isinulat para lamang sa Write-a-thon at hindi dapat nakapaskil saanmang social media platform). Dapat nasa wikang Filipino / Tagalog ang iyong entry.

2. Ang tema ng ating AgosTula ay: Ibahin ang huling salita ng huling aklat na inyong nabasa gamit ng kulay ng inyong damit na suot ngayon.

Halimbawa, Stainless Longganisa ni Bob Ong ang huling aklat na nabasa mo at ang kulay ng damit na suot-suot mo ay black. Ang magiging tema ng inyong tula ay tungkol sa "Stainless Black".

3. Ipaskil sa iyong profile ang inyong akda. Pagkatapos niyon, ikomento sa ibaba ang mga sumusunod:

Username:
Bilang ng mga Salita:
Pamagat:
Link ng akda:

4. Huwag kakalimutan maglagay ng tags na:

#WattpadAThonChallenge

#AgosTula

Paalala: Isang entry sa bawat theme sa isang Wattpad Account lamang. At dapat bago ang likha o gawa ang iyong ipapasa na entry.

Magsisimula ang pasahan ng entries simula Day 4 hanggang Day 18 ng Agosto ng buwang ito. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.

Write-A-Thon ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon