ATA: who's your first love?—MATHEMATICS😭.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•
I don't know if I want to go to school or not. Hindi naman ako pwedeng magreklamo kila mommy. Masyado pang magulo ang lahat. Siguro, hahayaan ko nalang sila... siguro, hindi na muna ako lalaban sa kanila.
Nang makapasok na ako sa campus, para bang star ako dahil nagsihintuan lahat ng tao. Napatingin sila sa'kin na may bahid ng takot. Napakunot naman ang noo ko, bakit sila ganito makatingin? Crush ba nila ako?
Nang nasa tapat na ako ng building ng classroom ko ay laking gulat ko nang may umakbay sa akin. Napatingin ako sa isang gwapong lalaking nakaakbay sa akin.
"Sup, seatmate, sabay na tayo pumasok." Tumango ako sabay tanggal ng pagkakaakbay sa akin. Nang makarating kami sa 3rd floor kung nasaan ang section 1 ay nagulat ako nang makita ko 'yung mga nambully sa akin na nakaluhod.
"Wtf," pabulong na sambit ko. Nakita ko ang pagluha noong Althea at Liana. Masama ang tingin sa akin noong bakla at noong Queenie.
Tahimik lang ako at naglakad papunta sa upuan ko. Agad kong inayos ang bag ko at inilabas ang reading glass ko pati na rin ang novel ko na may mantsa. Nagbasa muna ako ng novel, nang mag ring ang bell ay pumasok na rin 'yung mga nakaluhod sa labas kanina.
"Teachers meeting, for today raw magkompleto nalang daw tayo ng mga bagay bagay. Pwedeng umuwi 'yung gusto." Pag-aannounce ng PIO namin.
Tahimik akong nagbabasa habang iba naman ay nag-uusap usap na uuwi sila sa kanya-kanyang bahay at kung ano ano pa.
"Bakit ganyan 'yang binabasa mo? May nababasa ka pa ba dyan? Palitan mo na kaya 'yan." Suhestyon ng seatmate ko sa akin.
"Papautangin mo ba ako?" Nagbibirong sambit ko. Natawa ako sa reaksyon nito, mukhang gulat ma gulat. "Joke lang," natatawang sambit ko. "Shocks, LT reaction mo!"
"Kala ko, hindi mo ako papansinin." Tanging sambit nito. Binaba ko ang libro ko, at napansin kong nakatingin s'ya rito. Tinignan ko s'ya ng maayos. Bakit nga ba ang gwapo ng seatmate ko? Mukha s'yang koreanong hapon.
"Mukha ba akong 'di namamansin?" Tanong ko rito at natatawa pa rin. Tumango ito sa akin na para bang takot na bata. Ang cute, parang gusto ko nang iuwi sa bahay, charot!
"Paano kasi, puro ka senyas. Malay ko ba kung gusto mo akong pansinin o ano e. Minsan iniisip ko na pipi ka kaso, oo nga pala, nagsasalita ka. Bakit ka ba kasi puro senyas? Iniipon mo ba ang boses mo?" Mas lalo akong natawa sa mga pinagsasasabi n'ya. Alam ko namang genuinely s'yang nagtatanong pero para kasing gago.
"Hindi ko lang alam ang sasabihin ko kaya sumisenyas nalang ako." Pagpapaliwanag ko sa sarili ko. Totoo namang minsan nagugulat ako sa kanila kaya sumisenyas nalang ako.
"Akala ko, ayaw mong makipagkaibigan," natigilan ako sa sinabi n'ya. Ako pa ba ang ayaw? E, mukhang ang mga kaklase n'ya ang may ayaw sa'kin. Nginitian ko nalang ito dahil ayokong magsalita ng kahit ano tungkol sa pagkakaibigan.
"Oh, sige na, alis na ako ha?" Tinignan ko ito.
"Uuwi ka na?" Tanong ko rito. He just shook his head.
"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Bakit kailangan ko ba syang kilalanin ng lubos? "Ah, wala. Goodbye seatmate, see you tomorrow!" Tumalikod na ito sa akin at tyaka lumabas ng room. Ramdam ko pa rin ang sama ng tingin nung bakla at ni Queenie. Pero wala akong pake. Bahala sila dyan.
Ibinaba ko na ang libro at iniligpit. Ang hirap naman kasi, paano ba ako makakapagbasa ng ganito? Medyo smudge na 'yung letters tapos may mantsa pa. Nakakapanghinayang.
Dinala ko ang bag ko at lumabas ng room. Narinig ko kasing may mini park sa school na 'to e. Parang park s'ya pero canteen talaga. Parang food park na pwedeng makapasok ang mga street vendors.
Naghanap ako ng bakanteng upuan, 'yung walang lamesa. Gusto ko lang naman maramdaman ang parke. Inilabas ko ang baon kong chips, at kinain ko ito habang nagbabasa ng General Mathematics book.
Habang nagbabasa ako ay nagulat ako nang may magtilian. Para bang may mga gwapong paparating. Nakakita ako ng limang mga lalaking sabay sabay na naglalakad. Napansin ko rin na naroon sa gitna si Matteo.
Nang makarating sila sa harap ko ay agad silang huminto. Hindi ko alam kung bakit pero tinitignan nila akong lahat. Si Matteo naman ay busy sa kung anong hinahanap n'ya sa bag n'ya.
Laking gulat ko nang may iniabot itong paper bag na may nakalagay na 'booktstore, your magic'. Kinindatan nito ako sabay alis sa harap ko. Ramdam ko kung paano nag-init ang mga tingin sa akin ng mga babae rito.
Binuksan ko ang paper bag at laking gulat ko nang makita ko ang novel book na binabasa ko kani-kanina lang. Bago at mukhang premium pa ito dahil may kasamang bookmark at pirma ng author. Alam kong mahal 'yung binili ko pero alam kong mas mahal 'to. 'Yung binili ko ngang class A lang ay pumapatak ng 700 pesos, e eto? Baka nasa 1k mahigit 'to.
Gusto ko mang tanggapin ito pero kailangan ko itong isauli. Mukhang sikat sila dito sa school, ayoko ng gulo. Ayokong mapalapit sa kanya. Dahil baka sa susunod, hindi lang mga kaklase ko ang mambully sa akin... baka sa susunod, lahat na ng estudyante rito ay ibully rin ako.
~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
Still Waiting For My Moon To Be Back
Randomare you coming back into my arms? and love me again? because I'll open my arms wide for you... even if it hurts.