ATA: bakit ka nagsulat? Bakit mo rin binura lahat ng stories mo sa fb?— hindi ko binura, may nagrereport. Nagsulat ako kasi hindi ko rin alam basta ginagawa ko lang kapag wala akong magawa pero ang totoo tambak gawain ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Tinignan ko ang isang magandang babae na natutulog sa may gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Napangiti ako, mukhang pagod ang babaeng ito. Kitang kita rin ang eyebags sa kanya... ngunit nasaan ba ako?
Gustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa, natatakot na baka magising ang babaeng natutulog ng mapayapa. Hindi ko s'ya kilala ngunit alam ko sa sarili ko kung gaano s'ya kahalaga sa akin. Siguro'y isa ito sa mga kakilala ko. Tama, siguro nga.
Habang nag-iisip ako ng gagawin kung paano hindi magising ang babae habang tatayo ako rito sa hinihigaan ko ay biglang tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumatawag. Sinilip ko ito at nakalagay sa caller ID ay 'dr. Samantha Dela Cruz'.
Naalimpungatan ang babae, at akmang kukunin Ng telepono nang makita n'ya akong gising. Nanubig ang kanyang mga mata. Hindi alam kung ano ang sasambitin, sa halip, niyakap n'ya ako ng mahigpit.
"Thank you Lord!" She said. "You're awake now!" Masayang masaya ang kanyang boses. Napangiti nalang ako sa babae, hindi alam kung paano sasambitin ang salitang 'sino ka' dahil baka masaktan s'ya. Hindi ko alam pero may sumisigaw sa puso at isip ko na hindi ko dapat gawin iyon, dahil baka masaktan ang babaeng nasa harap ko.
"T-tatawagin ko lang ang doctor at ang mommy mo! Pati na rin si Marianne." Nakangiti ito at nagmamadaling hanapin ang doctor. Sino nga ba ang babaeng iyon? Nagtatakang tanong sa aking utak.
Dumating ang doctor ngunit wala pa rin ang babae. Baka nga ibabalita n'ya sa aking ina't kapatid ang nangyari. Maraming tinanong sa akin ang doctor. Sinasagot ko naman ito ng totoo.
"Ano ang mga naaalala mo?" Natigilan ako sa tanong n'yang iyon. Ano nga ba? Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito e... hindi ko alam.
"High school student po ba ako?" I genuinely asked the doctor.
"Hindi na, isa ka nang successful lawyer hijo. Nakalimutan mo na ba na inilaban mo ang kaso ng anak kong hinarass ng mga pulis?" Nagulat ako sa sinambit ng doctor. Lawyer... I never thought I would be a Lawyer. Akala ko'y magbi-business ako.
"Totoo ho ba?" I asked him, he nodded. "Kung ganoon ay masaya po ako." I smiled at him. Nagpakwento ako ng mga alam n'ya sa akin. Wala raw s'yang gaanong alam kung hindi ang pagiging magaling na lawyer ko.
Sinabihan ko ang doctor na huwag saamin lang usapan namin. Hindi nila pwedeng malaman na nawala ang ibang ala-ala ko. Mahirap kapag ganoon. Sinabi naman sa akin ng doctor ang ibang mga tanong ko na kaya n'yang sagutin.
Ang babae kanina ay ang anak ng may-ari ng hospital. Nag-aaral muli para mamana n'ya ang hospital na pinagawa sa kanya. Wala na s'yang ibang alam kung hindi iyan lang... mukhang hindi sapat.
Nang makarating sila mommy at Marianne ay wala pa rin ang babae kanina. Siguro'y pumasok? O baka naman wala na talaga at hindi na babalik.
"Sino ang hinahanap mo kuya?" Tanong sa akin ni Marianne. Hindi ganito ang Marianne na naaalala ko. Ang Marianne na naalala ko ay elementarya ngunit ito ay sobrang laki na ng tinanda, siguro'y college na s'ya.
Nasa labas ngayon si mommy para kausapin ang mga doctor na sumuri sa akin. Sana lang ay hindi sabihin ng doctor na 'yon ang kondisyon ko. Ayoko nang mag-alala pa sila.
"Nasaan na 'yung babae kanina?" Kumunot ang noo nito sa akin. "'Yung anak ng may-ari ng hospital?" I asked her again.
"K-kuya... nawala ba ang alaala mo?" She asked me. Hindi na ako makakapagsinungaling kaya tumango ako sa kanya. I told her din na huwag munang sabihin kila mommy. Baka mag-alala sila.
Kinuwento n'ya sa akin lahat ng nalalaman n'ya tungkol sa akin. Ang mga pangyayari simula noong nag second year high school ako. Ang mga babaeng dumaan para maging aral sa buhay ko... pero ang isa ay hindi n'ya itinuloy.
"Bakit ayaw mong ikuwento 'yung kay Hannah?" I asked her.
"Kuya... hindi pwede. Dapat ikaw mismo ang makaalala. Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ng basta basta. Hindi pwede dahil maraming masasakit na pangyayari. At isa pa, napagkasunduan namin ni ate Hannah na hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung sakaling magising ka at mawalan ng alaala." She explained.
Sino nga ba 'yung Hannah? Hindi ko alam... ang sakit sa ulo alalahanin... feeling ko sasabog 'yung utak ko kapag pinipilit ko s'yang maalala. Ang sabi naman ng doctor ay 'wag kong pilitin o baka ako rin ang magsisi sa dulo.
Hinayaan ko nalang, hanggang sa dumating ang babae kanina paggising ko. Nakangiti ito sa akin, nakauniform pa s'ya, tama nga ang hinala ko na pumasok s'ya sa eskwelahan.
"Anong year ka na?" Pag-uumpisa ko ng pag-uusap naming dalawa. Ang tahimik n'ya kasi... parang ang weird. Dahil all smiles s'ya tapos tahimik. Parang ang jolly kaso tahimik.
"Graduating," she said smiling. "Noong bago ka maaksidente, nag-aaral na ako noon. But no one knows. Gusto ko lang sila isurprise, tyaka para walang disappointment kapag hindi ako nakapasa." She chuckled.
Hindi ko alam sa sarili ko pero gusto ko s'yang halikan. Pinigilan ko ang sarili ko... kailangan kong pigilan. Lawyer ako, baka makasuhan pa ako ng sexual harassment. Grabe...
"E, bakit alam na nila ngayon?" I asked her. Natigilan s'ya.
"Y-your mom and I made a deal," she sighed. "I need to finish med, neuro, top in the bar and I need to do that in a short time period," she looked at me. "Kapalit non?" She sighed again. "I can see you." She just smile.
So, she suffer her braincells just to see me? Woah.
"Wait, hindi ka ba nahihirapan? I mean, para saan at gusto mo akong makita? Grabe ganoon ba ako kahalaga sa'yo?" I asked her genuinely. I just recieved a shrugged. Ah, that girl.
~~~~~~~~~
•LIGAYA•
YOU ARE READING
Still Waiting For My Moon To Be Back
De Todoare you coming back into my arms? and love me again? because I'll open my arms wide for you... even if it hurts.