So the chika for this chapter is, hinaharot na po ako nung kapatid ni kuyang engineer. H E L P !
Nagmamahal,
Author n'yong maharot.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•
"Woah, nanay na nanay," bungad sa akin ni Matteo. Naggrogrocery ako ngayon dahil paubos na ang stock namin. Nakamessy bun ako at oversized shirt.
"Grabe 'yung mga pinapamili mo, napakahealthy. Puro damo." Natatawang sambit nito. Hindi ko alam kung bakit nandito ito ngayon at inagaw sa akin ang cart ko e.
"I ask them what they want to eat. 'Yan naman ang gusto nila so," I shrugged.
"Yes, ma'am. Pero lagyan mo ng kahit konting cheat food."
"Nah, bibili sila kapag gusto nila. Laki kaya ng savings ng mga 'yon."
"Galing sa'yo 'yung savings?" He asked me. "E 'di mahihiyang silang gastusin 'yon. Based sa ugali nila, tuition, pagkain araw araw tapos pagtira palang sa bahay mo mahihiya na 'yon."
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin s'ya na maglagay ng kahit ilang junk foods. Bumibili rin naman ako ng junk foods and chocolates, minsan nga lang dahil hindi naman talaga nagagalaw. Vegetarian kasi 'yung dalawa, sinanay raw sa gulay noong nasa probinsya sila.
"Hindi mo pa ba bibigyan ng tatay 'yung kambal?" He asked.
"Nah, it's fine this way. I can't take the pain kapag nasaktan ako noong tao na 'yon. Hindi nila pwedeng makita na mahina ako." I smiled at him. I know, he still hoping for his second chance. But I can't give it for now... not now... not soon.
"Okay, I'll wait."
Noong nasa counter na ay pinagpipilitan n'yang s'ya ang magbayad. In the end, hindi n'ya ako napilit. Weird naman non, puro kami ang gagamit at hindi naman s'ya so bakit n'ya babayaran?
Noong pauwi na kami ay bumili ako ng ice cream, cookies and cream, para sa kambal. Nagtext kasi sa'kin si Lav na they aced the exam. She even send me their test papers. Humiling sila ng ice cream at BBQ kaya naman ibibigay ko. Wala namang masama na i-spoil sila minsan. Nakakatuwa pa nga e.
In their school standing, Kala is the top 1, into sports kasi si Lav kaya second s'ya. Madalas s'yang wala sa room dahil sa pagiging captain ball n'ya sa volleyball. Si Kala naman, more on acads, literal na quiz bee lang ang sinasalihan. Kaya nakakaproud na walang inggitan sa kanilang dalawa. Nakakaproud bilang nanay nila.
I invited Matteo to our mini celebration but he decline. Ang rude ko naman na tinulungan ako nung tao na maggrocery, kahit 'di ko hiniling, tapos papaalisin ko na agad. Para ko lang s'yang ginamit non.
"Sorry, I need to go to my office now. May nagwawala daw na babae, and I need to check it now." I smile and nodded.
Lagi namang may nagwawalang babae don. One time, may nagwalang babae, papunta sana ako sa office ni Matteo para ibalik 'yung bulaklak na binigay n'ya sa'kin tapos 'yung babae bigla akong sinabunutan. Ako raw ba 'yung kabit nung asawa n'ya. Tapos 'yung asawa n'ya, isa pala sa mga empleyado ni Matteo. Gosh! Nakakaloka.
YOU ARE READING
Still Waiting For My Moon To Be Back
Randomare you coming back into my arms? and love me again? because I'll open my arms wide for you... even if it hurts.