05

9 1 0
                                    

Papatayin ko na ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•

"Anong meron ngayong week at palaging hindi sumasabay sa atin si Althea?" I asked Liana. Parang she used to it na e. Simula kasi nung maging close kaming tatlo ay sabay sabay kaming umuuwi, commute nalang kami. Pare-pareho lang naman kami ng subdivision, iba lang ang street ko sa kanila.








"Week of the month," maikling sambit nito. Napakunot naman ang noo ko. Week of the month? May red days? "Okay, hindi mo nga pala alam. She's one of the heirs of one of the biggest firms in the Philippines. Tatlong firm para sa tatlong apo na nagdadala ng apelyido nila. Every month, may week na uuwi s'ya sa lola n'ya para mag ready for engineering firm." Paliwanag nito sa akin. Ganoon pala 'yon? Parang ang hassle naman non. Buti nalang hindi kami ganoon kayaman.








"Kung ganoon pala s'ya kayaman, e bakit nandon pa rin sila nakatira sa may subdivision natin? Bakit hindi sa exclusive subdivision?" Dagdag na tanong ko rito.








"Hindi s'ya 'yung mayaman, 'yung lola n'ya." Tanging sambit nito. Kasama n'ya rin ngayong week 'yung isa sa 5 Prince. Si Prime ba 'yon? 'Yung laging nakabukas ang polo.









Hindi ko namalayang nagtagal ang titig ko kay Prime. Ano ba 'to? Nahuli n'ya akong nakatitig sa kanya at matagal kaming nagtitigan hanggang sa kindatan n'ya ako. Nakakahiya.









"Shuta, akala ko si Matteo, bakit mukhang si Prime?" Nang-aasar na sambit ni Liana. Agad ko s'yang sinamaan ng tingin. Hindi ko naman sinasadya e.









"'Wag ka ngang magulo. Bilisan mo, alis na tayo dito." Pagmamadali ko sa kanya. Grabe! Nakakahiya talaga. Pati pala si Liana napansin tapos hindi man lang ako sinit na nakatitig na ako kay Prime. Epal talaga grr.









"Bili tayo," pag-aaya ni Liana. Gets ko na agad ang bibilhin. Milktea, si Althea lang naman ang 'di namin maaaya sa milktea e. Hindi kasi s'ya mahilig don. E, bala s'ya, favorite namin ni Liana e.









"Pupunta ka ba sa Acquaintance party next month?" Biglang tanong ni Liana sa akin. Tumango ako, no choice ako. Gusto ni mommy na pumunta ako e.









"Hays, ang hirap. Wala akong hilig sa gowns." Biglang sambit nito. Pareho lang naman kami. Ang pinagkaiba namin ay, ang saakin, bahala na si mama sa mga gagamitin ko samantalang sa kan'ya ay walang tutulong sa kanya.









"Pahanap kita kay mommy, tapos sabay na tayo pumunta? Ano G?" Pag-aaya ko rito. Alam ko naman kasing hindi namin makakasama si Althea ron dahil kailangan, ang kasama n'ya ay ang mga pinsan n'yang Elite, well buti nalang kami ni Liana Mythic, it's her lost. Charot!









Buong araw ay binuhos ko ang enerhiya ko sa pag-aaral. Wala kaming gaanong chika dahil wala si Althea. Si Althea lang naman ang nag-uumpisa ng topic at kami na ang bahala sa tawa o sa pagpapatuloy. Ganoon naman palagi e.









Nang mag-uwian na ay napagpasyahan naming bumili ng dirty ice cream sa may mini food park sa school. Kailangan namin 'to, ewan ko ba, pareho kaming feeling tired ngayong araw.









"Grabe, iba talaga 'pag wala si Thea. Parang ang lungkot lungkot." Pagrereklamo ni Liana habang kumakain kami ng Ice cream.









"True ka dyan mamsh," pag-sang-ayon ko. "Parang drained na drained utak ko!" Dagdag ko pa. Sabay kaming napabuntong hininga. Totoo naman na parang walang kulay ang lahat 'pag wala si Thea. S'ya kasi 'yung jolly sa'ming tatlo, s'ya 'yung nagpapatawa sa'min. Nakakainis naman 'tong week of the month.









"Buti nalang, friday ngayon. Sa atin na sa Monday si Bruha!" Masayang sambit ni Liana. Siraulo talaga 'to, lagi n'ya kasing tinatawag na bruha si Thea dahil tamad magsuklay tapos ang kapal kapal ng mukha este ng buhok.









Nag-uusap lanh kami tungkol kay Althea nang lumapit sa amin ang 5 prince. Oo, kumpleto sila, unfair. Dapat kami rin, dapat ibalik na nila Prime pinsan nila sa'min.









"Hannah..." pag-uumpisa ni Matteo. "Pwede ba kitang maging date sa Acquaintance party natin next month?" He asked me. I don't know what to say, pinagtitinginan kami ng mga tao. Parang nakakahiya naman kung tatanggihan ko s'ya.









"Oh–kay..." tanging nasambit ko. Hindi ko alam, pero may kakaiba akong nararamdaman tuwing makikita ko si Matteo. Isa pa, nakakahiya kung tatanggihan ko s'ya.









Nagtatatalon sa tuwa si Matteo na para bang nanalo s'ya sa lotto. Nag thank you pa ito sa akin at sinabing susunduin n'ya raw ako. Napatingin naman ako sa isang gawi nang makaramdam ako ng mabigat na pagtingin. Napansin kong si Prime 'yon.









Umalis na ang 5 Prince sa harap namin. Pero nagulat ako nang ilang minuto lang ay bumalik si Prime at si Ace sa amin.









"Kung lolokohin mo ang tropa namin, please tigilan mo." Sambit ni Ace.









"Kalma bro, baka s'ya ang saktan ni Matteo. Hindi natin sure." Biglang sambit ni Prime. Naguluhan ako bigla, anong meron.









"Look, Hannah, kakausapin ka namin para hindi kayo magkasakitan ng tropa namin," mahinahong pagpapaliwanag ni Prime sa akin. "Halos kakabreak lang kasi nila ni Kelly, I mean, nag break sila nung first day of school. Hindi kami sure sa feelings ng kaibigan namin. Kaya kung hindi mo seseryosohin kaibigan namin, back off." Biglang sambit ni Prime.









"Shut up Prime," nagulat ako sa biglang pagdating ni Althea. "Tell that to Matteo. Hindi mo ba napapansin? Palagi nalang lumalayo 'yung kaibigan namin. Pero lapit ng lapit si Matteo—" Ace cut her off.









"But at least, she didn't declined Matteo's offer to her." Nagulat ako sa biglang pagsasalita nito.









"A-ayoko lang naman na mapahiya s'ya..." tanging sambit ko. Both of Prime and Ace shook their heads. Mukhang mali ang ginawa ko... mali nanaman.









"Let him. Hayaan mo s'yang mapahiya pa ulit nang tigilan ka na n'ya. Because we all know that Matteo is not yet over with Kelly. Tapos ikaw? Lumalapit ka sa kan'ya kasi gusto mo ng spotlight—" I cut him off with a slap.









My tears began to flow. Grabe, gusto ko ba talaga ng spotlight? Ako ba talaga ang lumalapit? Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat? Ako ba? Bakit naman ako ang sinisisi nila? Bakit kailangan palaging ako ang mag-aadjust? Palagi nalang bang ako? Bakit sila hindi ba pwede?









I ran away. I ran until I can't breath. The last thing I hear is a sound of truck and evrything went black.


~~~~~~~~~
•LIGAYA•

Still Waiting For My Moon To Be BackWhere stories live. Discover now