So I have chika mga readers ko in the future. I shouted "gusto ko rin ng Engineer" e may mga engineer sa malapit sa'min kasi may ginagawang tower. Tapos may fresh graduate na engineer don gwapo tapos mapanga. Shiz, napatingin sa'kin hihi.
Nagmamahal,
Maharot n'yong author.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•~•
"Are you sure anak? Aalis ka talaga sa poder namin?" My mother asked me. Malapit na akong grumaduate, gusto ko nang maging independent. Kahit na ba nakatira ako sa condo ko ay sila mommy pa rin ang sumusuporta sa akin.
"Mom, I want to be independent. And gosh, I'm 25 turning 26." I massaged my head. My mom, being clingy.
"Hayaan mo na s'ya Hannah." My dad told my mom. We have the same name, but different second name. I am Grace while she's Stephionna.
"But Elijah," pagpapaawa ni mommy kay daddy. "Si Stephen nga umalis na... bakit naman isa isang umaalis ang mga anak ko?" Naluluhang sambit ni mommy.
Naaawa ako kay mommy pero this is for my mental health sake. They always bringing up Matteo to me. Botong boto sila kay Matteo e... hindi man lang ba nila naalala kung gaano ako nasaktan?
"Mom, I promise I'll visit." Pangako ko rito.
"Okay, but please, be careful to yourself! Bumisita ka every weekend! Or else, I am the one who'll visit you!" She chuckled.
Gosh, my mom is a baby pa talaga. She's cute, minsan iisipin mo kung psychiatrist ba talaga s'ya. Ang cute pa ng love story nila daddy na nireto lang daw si daddy ng isa sa mga pasyente ni mommy. Weird!
"Sup, kuya," bati ko sa kapatid ko. Pumunta sila ngayong araw sa bagong gawa kong bahay. Kompleto sila, kasama pa ni kuya ang girlfriend n'ya. They were both lawyers, kaya ang cute!
"Musta boards? Kabado ka?" He asked me. Boards nalang kasi ang kulang, magkaka MD na ako sa pangalan.
"Hindi, kapag hindi pinalad edi don't. Hanap bagong pag-aaralan." Natatawang sambit ko. Nakakuha tuloy ako ng batok mula sa kapatid ko.
"Siraulo, hindi sa lahat ng oras makakapag-aral ka. Once you give yourself a chance on something, make sure na magagawa mo ng ayos 'yon."
"You should tell that to Matteo, not me." I rolled my eyes.
"Bitter ex, I see." Natatawang sambit nito. He keep on teasing me after I said the name of my ex.
"Ate Serine, help," pagmamakaawa ko sa girlfriend ni kuya. Mabuti nalang at napatigil nito si kuya.
I'm that they were here, but still... I felt so lonely. There's something that always make me lonely. Hindi ko alam kung ano, hindi ko mapaliwanag. Kahit na nandito lahat ng tao para sa akin ay pilit pa rin akong nawawala.
Nang makaalis sila mommy ay ginawa ko ang normal kong ginagawa. Ang mag-aral. I opened my instagram for a while. Masyado nang marami ang naaaral ko.
From Powerpuff Girls🍻
_it'smeMikaSandoval: nomi!!
Lilianalanexx: pass, pinagod ako ni Prime.
_it'smeMikaSandoval: iw!
Lilianalanexx: gago, we hike 'di ba? Kapagod pala 'te!
_it'smeMikaSandoval: hiking lang ba?
Lilianalanexx: bahala ka jan, basta pass ako girls.
_it'smeMikaSandoval: 'no ba 'yan! E 'di ako nalang. Kasama naman mga pinsan ko e. Kthnxbye. Hanap na 'ko bagong best buds! Charot. Labyuall!!
Grasyax_c: pass ako, boards muna bago nomi.
_it'smeMikaSandoval: it's fine. Sanay na kaming MIA ka palagi! Hmp.
I laugh on Althea's reply. Lately, I focused on my studies. Mahirap na kasi kapag graduating ka tapos med pa. Nakakabobo lang. Ang hirap pumarty, lalo na't nakasalalay sa aming mga med students ang future ng mga may sakit. Hindi pwedeng petiks lang.
I started to think that I should have a dog too. Moonlight isn't enough, that lazy cat. Kapag nakikipaglaro ako sa kanya, tatarayan ako. Bwiset na pusa.
But even I bought two dogs, I felt so lonely. Ano bang hinahanap ko at parati nalang ganito? Hindi naman ako ganito noon e. Noon na kahit iwanan nila akong mag-isa ay ayos na sa akin ang pusa ko.
Kahit na halos puro nasa trabaho lang sila mommy at daddy, tapos si kuya busy sa law school, hindi naman ko nakakaramdam ng ganito. Ngayon lang... siguro dahil bago lang ang bahay ko.
Siguro nga...
Baka nga...
"Hello," I answered my phone. Unknown 'yung caller but I have this feeling na need ko s'yang sagutin.
"I love you," then the call ended. The voice was completely familiar. hindi ko alam kung kanino. Hindi ko matukoy. Pero alam kong pamilyar masyado ang boses nito para sa akin. Parang palagi ko itong naririnig.
"Siguro wrong number or prank call." I keep on convincing myself. I can't divert my attention to that caller. I need to review. I need to do more things than keeping my mind on that caller.
Para kasing ang sakit nung I love you n'ya...
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman dapat ganito. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito. Hinfi ko nga kilala 'yung caller e. Baka trip trip lang 'yon.
"Ah, tangina kang caller ka!" Naibato ko ang reviewer ko sa sobrang inis. Hindi na ako makapagreview. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko 'yung I love you. Baka maisagot ko sa exam, 'I love you' kahit na ang tanong ay kung ano ang karamdaman ng aso. Tae!
Pinipilit kong matulog. I jog for a while, I needed it. Para man lang umaliwalas ang utak ko. Pero, leche, kung may makakakita sa akin ay iisiping baliw ako. Sino ba namang magja-jog sa buong village nang 12 am?! Shiz.
Nang makabalik ako sa bahay ay uminom agad ako ng tubig. Ilang saglit lang ay uminom na rin ako ng gatas. Kung hindi ako makakapagreview, dapat lang na matulog ako. I can't even sleep at night because I need to review.
Bakit ba ako distracted?!
~~~~~~~~~
•LIGAYA•'Wag malito. Flashback 'yan.
YOU ARE READING
Still Waiting For My Moon To Be Back
عشوائيare you coming back into my arms? and love me again? because I'll open my arms wide for you... even if it hurts.