Chapter 6

526 43 17
                                    

"So ano nang balita kay Raphael?"

Tumingin ako kay Mitch para malaman kung ako nga ba ang kausap niya. Ilang minuto na kasi kami di nag-iimikan kasi busy ako sa pagtransfer ng drawing ko sa CAD. Si Mitch naman, busy sa K-Drama niya.

"Please specify kung sinong Raphael," sagot ko kay Mitch.

"Ano nga ulit apilyido nung bago?"

"Manalo. Actually, full name niya is Blue Raphael Manalo."

"Ay, panalo!" Nagpapalakpak pa siya. Loka-loka. "Dapat may codename na tayo sa kanilang dalawa. Kasi malamang palagi nating mapag-uusapan 'yan."

"Ano namang codename ang gagamitin natin?"

"Si Winner tiyaka si Legit."

"Huh?"

"Hay nako. Loading ka talaga. Si Winner si Manalo kasi nga di ba, panalo. Si Legit si Villareal. Kasi aside na siya naman talaga ang original Raphael sa puso mo, nasa pangalan niya din ang rason. Real. As in totoo, meaning legit."

Ang haba pa ng explanation niya. Pinag-isipan.

"I'm gonna inform Jaz about this amazing idea of mine."

"Tch. Bahala ka diyan."

Maganda rin naman na may codename. Pero hindi ba masyadong obvious ang Winner at Legit?

"Nga pala. Nakita ko kanina si Drake at Mitzuko. Kapal moks talaga ng dalawa. May ganang mag-PDA kahit alam nilang nakikita ko sila. Pag-untugin ko pagmumukha nila eh."

Luh, galit si Mitch. Well, siguro naman kahit sino magagalit sa ginawa ni Drake kay Jaz. Especially kaming mga bestfriends niya.

Pinalitan ba naman si Jaz kaagad after one week. Nakipaghiwalay ang mokong sa hindi malamang dahilan. Kaya pala. Kasi may iba na.

Pwede naman niyang sabihin na na-fall out of love na siya. Baka mas matanggap pa yun ni Jaz. Pero wala talaga siyang binigay na matinong rason. Nag-away lang sila dahil sa simpleng bagay at ayun, nakipaghiwalay na. Para bang naghihintay lang siyang magkamali si Jaz. Kahit gaano kaliit ng pagkakamali ay gagamitin niya para makipaghiwalay.

Si Jaz naman sobrang wasak that time. Minahal nga siguro niya nang sobra si Drake. More than a year din ang naging relasyon nila. At saksi kami kung paano siya minahal ni Jaz.

Alam kong talagang biased kami kasi nga bestfriend namin ang babae. Pero sana naman, nagbigay lang siya ng maayos na dahilan. Sana naman sinunod muna niya ang three-month rule bago siya makipag-PDA sa ibang babae.

Hays. Ichecheck ko nga muna social media accounts ko. Makikiupdate ako sa chismis ng mga tao.

Pagka-open ko ng FB, bumungad ang same post ni Brittany na kasama niya si Raphael. With him pa rin ang caption niya. Di ata siya nakontento sa atensyong nakuha niya sa Insta at dito na niya ipinaskil sa FB kung saan mas maraming makakakita.

Yieee, kayo na ba? Sabi nung isang nagcomment.

Hindi pooo. Haha. Friends lang. Sagot naman niya.

Oh eh yun naman pala. Ba't may pa with him with him ka pa? Napakashowbiz pa ng sagot.

"Anong pabibo nitong si Brittany at may pa-with him pa siya kay Legit?" pagtataka ni Mitch.

Nakita rin siguro niya yung post. Nagloading ako saglit sa ginamit niyang pangalan. Di ako nainform na effective immediately pala ang codename.

"Hayaan mo siya. Friends lang daw sila."

"So, bakit siya nagpopost nang ganyan? She's stirring the curiosity of the people. Nagiging issue tuloy."

"As long as single ang status ni Rapha-ni Legit, okay ako. Haha."

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon