Chapter 10

453 54 49
                                    

"Wow," sambit ko.

Ang laki ng condo niya, in fairness! Ang linis din!

Halos pareho ng interior katulad ng kay Jaz pero mas masculine ang style. Marami na ring gamit. Halatang matagal na siyang nakatira dito. Kay Jaz kasi, konti pa lang ang gamit kasi kakalipat niya lang.

"Use this," sabi niya sabay tulak ng isang high stool. "Doon ka," turo niya naman sa foldable, drawing table na naka-attach sa wall.

Wow, kompletos recados! May high stool at legit na drawing table! Yung slightly inclined downward, which is the ideal type of table used for drawing large-scale designs.

"Don't worry. Tahimik akong mag-aral," dagdag niya at umupo na rin sa study table niya.

Doon ko lang din napansin ang maraming libro at pieces of paper sa naturang study table. Malamang nag-aaral na rin siya for Prelims.

Char. Studious si kuya. Para sa akin, early pa kasi kung magstart na siyang mag-aral for prelims tonight. Next week pa kasi yung prelims.

But oh well, mahilig din kasi ako sa cramming. Wag tutularan!

Pagkatapos niyang sabihin yun, di na siya nagsalita. Concentrated na siya sa pag-aaral niya.

Ako naman, pumwesto na rin. Inilapag ko ang pinatuyong design ko kanina. Narealize kong wala pala akong dalang masking tape. Kasi nga akala ko kay Jaz ako makikituloy at sure ako may masking tape siya.

"Uhm, sorry pero may masking tape ka ba?" mahina kong tanong sa kaniya.

Lumingon lang siya saglit and then he pulled one of the built-in drawers sa study table niya. Kumuha siya ng masking tape. Ibabato na niya sana at ready na sana akong saluhin pero hindi niya tinuloy. Instead, tumayo siya at binigay sa akin ang tape.

"Thanks," sabi ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pagse-set ng drawing area ko. Sinimulan ko nang i-trace ang previous drawing ko. Klarong-klaro ang mga linya kasi well-lit ang area ng drawing table niya.

Siya lang kaya nag-set up nitong drawing table? Kasi it looks really well-designed. Well-engineered. Pati lighting ay on-point.

Tumingin ulit ako sa kaniya na tahimik pa ring nag-aaral. Hindi naman awkward ang atmosphere kasi pareho din naman kaming busy.

Bigla akong may narinig na kalabog sa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan.

"Ay, kigwa!"

Agad naman akong napatakip sa bunganga kong nag-Bi-Bisaya kapag nagugulat.

Ano ba naman kasing kalabog yun? Parang galing sa labas.

Narinig kong bahagyang tumawa si Manalo, siguro dahil sa reaksiyon ko.

Ayoko sanang isipin na ang gwapo ng tawa niya pero ang gwapo talaga eh.

Hoy, Rain! Wag mong pagtaksilan ang dimple ng crush mo!

"Kigwa gyud?" pagrereact niya.

Napaawang ang labi ko.

What? Marunong siyang mag-Bisaya?!

"Marunong kang mag-Bisaya?" napatanong ako.

"Yes." He looks at me for a moment at binalik na naman ang tingin niya sa notes niya. "Nagstay kami sa Cebu for two years."

"Talaga?" Natigil ako sa pag-do-drawing. Konti lang kasi ang kilala kong galing Cebu na nag-aaral sa university namin. "Saan sa Cebu?"

"Sa city mismo."

"Ahh."

"Kayo?" Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa notes niya.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon