"Okay ka na? Di ka na galit?"
Umiling siya at ngumiti. Nasa balcony kami, nagpapahangin at umiinom ng soft drinks habang naghihintay na mag 4:30 para makapunta na kami sa restaurant kung saan magcecelebrate ng birthday si Archie. Nakasandig lang kami sa railings, tinatanaw ang mga sasakyang dumadaan sa di kalayuan.
"Can I ask you a question?" tanong ko.
"Of course."
"Did she....cheat on you?" alanganin kong tanong.
Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Baka kasi nagcheat sa kaniya yung ex niya kaya galit siya sa salitang cheating. Kaya madali na siyang magduda ngayon.
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong.
"Yung ex mo. Nagcheat ba siya?"
"Hindi naman. Ba't mo natanong?"
"Kasi feeling ko galit ka salitang cheating eh."
"Rain, sino namang hindi magagalit kung nagcheat sa'yo ang partner mo?"
"Sabagay. Pero iba kasi kapag naranasan mo. Medyo magiging paranoid ka na."
"I wasn't being paranoid. I was just...afraid that I might lose you."
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa kalsada pero ramdam ko ang sincerity nung pahayag niya.
"Naperfume-an lang ako ng panlalaki, naisip mo na agad na mawawala ako sa'yo?"
Bumuntong-hininga siya. "Yeah, maybe I overreacted. I'm sorry."
"Okay na tayo. Wag ka na magsorry."
It took a few seconds before he started talking again. "Also, my father cheated, so..."
Ah, oo nga pala. Ba't di ko naisip yun? Pwedeng iyon ang maging pangunahing dahilan kung bakit galit siya sa cheating.
"He cheated with my mom," he added.
"With?" pagkaklaro ko. "With or on?"
"With," ulit niya.
"Pero di ba sabi mo naging sila ng Mama mo before nagkaasawa ang Papa mo?"
"Yes, but...they got back together. After magpakasal ni Papa, nagkita ulit sila ni Mama. They had a short affair. Bale...naging kabit si Mama, Rain."
I know how serious this is for him. Kita ko sa mukha niya ang konting pag-aalinlangan habang nagsasalita siya. For the fact that he's telling me this, ibig sabihin, pinagkakatiwalaan niya ako. He's opening up his heaviest burdens to me.
"Nakita ko kung paano sila nagtago," pagpapatuloy niya habang nakatingin sa malayo. "Actually, I was there. Kasama ako sa pagtatago nila. I was still young kaya hindi ko masyadong naiintindihan. Hindi ako aware sa pagkakamaling ginagawa nila. Mama and I had to transfer from one place to another. And I hated that we had to do that. I don't hate my mother. I just...hate the idea. Kung bakit kinailangan pa niyang makipagbalikan sa Papa ko kahit alam niyang hindi siya pipiliin sa huli. Kahit alam niyang mali."
Inabot ko ang kamay niya. I held and caressed it to make him feel that I am listening. That I am here.
Nginitian niya ako. "But we're fine now. They're not seeing each other anymore. And it was the best decision. Kahit kami lang dalawa ni Mama, it's the best set-up for me."
Naalala ko ang sinabi niya noon na komplikado ang sitwasyon ng parents niya. That his father is supporting him pero ayaw nitong makipagkita sila. So, this is the reason.
I smiled at him. Hindi ko man alam kung anong mga ala-ala meron siya noong bata pa siya at kung gaano kakomplikado ito, naniniwala akong hinubog nito ang Blue na kilala ko ngayon. The matured, hard-working, independent, and caring Blue Raphael.
BINABASA MO ANG
The Kiss Next Door (Unang Pinto)
Romance"Maybe the kiss was a mistake to you. But it felt right to me," he says with eyes piercing right through me. ~~***~~ Si Rain Isobelle Martin ay isang Architecture student na matagal nang may crush sa boy-next-door blockmate niyang si Raphael Villare...