Napagdesisyunan kong iwaksi sa isipan ko ang mga naramdaman ko kahapon.
Yung biglang natatae. Yung biglang kinakabahan. Yung biglang lumalakas tibok ng puso ko. Lahat yun, itinakwil ko muna.
Siguro dahil lang yun sa one can flavored beer kaya ako nagpalpitate. Siguro dahil lang yun sa kakusing na 3% alcohol kaya nag-init ang mukha ko.
Sa buong biyahe ng paghatid sa akin ni Manalo kagabi, tahimik lang kami pareho. Nagkunwari akong tulog, actually. Ewan ko. Ayoko lang marinig ang gwapo niyang boses habang di pa tuluyang kumalma ang puso ko that time.
Again, erased na yun sa isip ko.
Habang nagsisimba kami ni Mitch, hiniling ko kay Lord na maliwanagan ang magulo kong isip. Nagdasal din ako para sa midterms ko.
Palagi akong pinapaalalahanan ni Mama na magsimba tuwing Linggo.
"Kahit wala kang hihilingin, magsimba ka, nak. You should go to church to praise and thank Him."
Naalala ko yung palaging sinasabi ni Mama sa akin. Every after mass, I feel refreshed. Naglilinaw ang isip ko. Feeling ko ang healthy ko rin.
Mitch, on the other hand, comes from a very religious family. Nameet ko na yung mama at papa niya. Sobrang bait, as in sobra. Ewan ko, hindi ata sila marunong magalit kahit makulit si Mitch. Pero kahit makulit si Mitch, ang bait niyan. Siya na ang pinakapasensyosang taong kilala ko, maliban sa papa ko. Except kung bagong gising siya, ibang usapan yun. Pero kung kunwari may nagawa kang di maganda sa kaniya or nagkasala ka, nagpapatawad 'yan agad.
"Mitch, punta muna ako doon sa studio ng Mama ni Blue."
"Yie, Blue na tawag mo sa kaniya ha?"
"Bakit? Di pwede? Tiyaka, ayokong tawagin siyang Raphael kasi nakakalito. Ayoko na ring gamitin yung codename."
"Bakit?"
Kasi naformulate lang iyon dahil tinutukso nila ako ni Jaz sa dalawang Raphael. Hindi na niya ako pwedeng tuksuhin kay Raphael, as in Villareal, kasi nga si Jaz ang gusto nun.
Starting now, tawagin ko nang Blue si Manalo. Feeling ko close na rin naman kami. Tumae na ako sa condo unit niya eh.
"Basta. Weird din kasi ng Winner," sabi ko na lang. "Kung Winner, parang panalo siya."
"Hindi pa ba?"
Nagtaka ako sa tanong ni Mitch.
"Hindi pa ba siya wagi diyan sa puso mo? Yie."
Inirapan ko na lang ang bruha para di niya mahalatang affected ako. Slight lang naman.
"Bye na nga. Punta na ako doon."
"Sige. Public lib na ako. Punta ka doon after ha? Mag-aral ka naman gurl."
"Langya ka. Kala mo naman di talaga ako nag-aaral."
"Haha, joke lang. Intayin kita doon ha?"
"Di mo ba kasama yung Nikolai mo?" tanong ko.
"Hindi. Ewan ko ba doon. Ayaw ata sa akin," sagot niya at nagpout pa. "Pero di ko yun titigilan. Pero wag muna ngayon. Kelangan ko munang mag-aral. Maya na landi."
"Tch. Sige na. Oo, punta ako mamaya after ko sa studio."
Kelangan ko ring mag-aral kasi midterms na next week. May next weekend pa naman pero narealize ko kasi na tigilan ko na ang pagka-cramming. Mas mahirap na subjects namin ngayon. Baka ngayon pa ako babagsak. Sus, makapiso kos akong inahan!
BINABASA MO ANG
The Kiss Next Door (Unang Pinto)
Romance"Maybe the kiss was a mistake to you. But it felt right to me," he says with eyes piercing right through me. ~~***~~ Si Rain Isobelle Martin ay isang Architecture student na matagal nang may crush sa boy-next-door blockmate niyang si Raphael Villare...