Chapter 15

437 45 41
                                    

"Rain!" tawag sa akin ni Jaz mula sa di kalayuan.

Nasa gym na kami at inihahanda ko na yung table para sa registration. Yung partner ko sa task, ewan, hindi ata sisipot.

"Kanina ka pa?" tanong ni Jaz paglapit niya sa akin.

"Hindi naman."

Ngayon kasi ang Mr. and Ms. Intramurals. It's held on the opening day ng Intrams namin.

"Eh si Mitch?"

"Ayun, nakikipaglandian na kay Kei. Iba daw crush niya pero close masyado sila ni Kei. Kausapin mo nga iyang kaibigan mo. Baka nagpapaasa na ng lalaki."

"Hays. Friendly naman talaga 'yan si Mitch. Tiyaka kung gusto niya yung lalaki, eh sasabihin niya yun kaagad. May update ka na ba kung sino yung crush niya?"

"Wala pa. Di pa nirereveal eh. Todo secret lang siya kung tinatanong ko."

"Ge lang. Malalaman din natin 'yan. Sige na, punta muna ako sa pwesto ko."

Jaz headed towards the backstage kung saan naka-assign siya at ang crush ko. Hindi ko nga napansin kung dumating na ba 'yon kasi masyado akong busy sa pag-aayos ng registration booth.

Nagpalinga-linga ako sa paligid.

"Yie, hanap mo ako?" Halos kinilabutan ako sa hangin na dumating.

"Di no! Crush ko hinahanap ko. Ba't ngayon ka lang?"

"Late ako nagising. Haha."

"Wow. O siya, ikaw na bahala mag-ayos ng registration forms. Per year daw yan."

Ipinasa ko na sa kaniya ang gawain. Aba, kanina pa kaya ako dito. Ako pa nagbuhat nitong mga lamesa mula doon sa SSG office.

Hindi pa nagsisimula ang event. Quarter to eight pa kasi. Mga 9am daw magstastart. Pero alams na, Filipino time, kaya sure ako aabot pa ito ng 9:30.

Nagsimulang magdagsaan ang mga estudyante sa registration booth nang malapit nang mag-9 am. Karamihan sa mga babae tumitili habang pumipila at nakatingin sa katabi kong si Manalo na busy sa pakikipag-usap sa mga freshmen na nagpaparegister. Ako kasi naghahandle sa fifth years at fourth years. Siya naman sa first, second, and third years.

Hinati kasi ang gym per year level. At nakatatak sa ticket na ibibigay namin ang seat number. Paunahan na lang ang pag-avail ng ticket kasi di rin naman magkakasya ang buong school doon. At itong Mr and Ms Intrams ay isa sa mga tampok na event namin.

Siguro naturally mahilig lang talaga ang mga tao sa gwapo't magaganda. Isa pa, ang mananalo dito ay ilalaban sa Mr and Ms U.

Hindi naman Mr and Miss Universe. Medyo malapit lang. Katunog lang. Para lang sa Mr and Ms Univercity.

Di yan wrong spelling. Iyan talaga ang name. Magpapaligsahan kasi sa pagandahan at pagwapuhan ang mga representative ng bawat university sa city namin. Kaya Univer-city ang tawag. Ganern.

I grimaced when I heard the shrieks of the ladies in line. Pati freshmen students na musmos pa lang, nadala sa alindog nitong katabi ko.

Nagmistulang fan-signing event ang registration dahil nagpapa-picture pa yung iba sa kaniya. Umiling na lang ako at in-entertain na ang kakarating lang na fourth year students.

Kelangan nilang magbigay ng isang pencil at isang notebook para sa registration. Ido-donate ng SSG ang mga nakuhang pencils at notebooks sa isang organization na tumutulong sa mga batang di nakakapag-aral.

Halos isang oras na walang tigil ang pagdagsa ng mga nagreregister. Malapit nang mapuno ang tatlong kahon na pinaglagyan namin ng notebooks.

Nagstart na yung event. Rinig namin mula sa labas ang hiyawan ng mga estudyante habang isa-isang nagpakilala ang mga candidates. Kaso di pa ako pwede makapasok kasi nga may trabaho pa kami. Pumalakpak lang ako at sumipol nang marinig ang pakilala ng pambato ng department namin.

The Kiss Next Door (Unang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon