Since sa isang workplace kami nagtatrabaho ni Mark akala ko palagi kaming magkikita. Akala ko lang pala. The big project with BChill that we have been working on for weeks is finally nearing it's deadline. Na busy kaming lahat lalo na ako kasi ito ang unang project na pinasama ako sa team kahit newbie pa ako. Iniisip ko it's time that I can finally show them what I can do.Si Mark din naging busy. Palagi siyang wala sa office to attend meetings with our hotshot client. VIP raw kasi kaya they have to give special treatment. Plus, close friend niya pa ang anak ng client namin kaya sabi niya we couldn't disappoint them daw.
Kaya our date nights turned to late night calls nalang. No more lunch outs, halos 'di na nga kami magkasabay ng lunch. Either nasa labas siya for a lunch meeting or I can't eat lunch on time kasi ang dami kong ginagawa. I also started to bring my car to work again. Ayoko ko nang hinahatid ako ni Mark. Mas gusto ko na magpahinga nalang siya. At first, ayaw niya talaga but I insisted. Nakikita ko rin naman kung gaano siya kapagod.
"Sarap talagang suntukin ni Bambam," sabi ni Mark sakin habang nagvi-video call kami. We're both about to sleep after a long day of work and ito lang ata ang time na nagkausap kami ngayong araw.
"Ano ginawa sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi kung hindi niya pinilit mama niya na sa atin mag-partner edi sana hindi tayo busy ngayon," sabi niya na parang nagmamaktol.
"Arte neto. Big break kaya ang project na 'to. Tayo ang magpapapasok ng BChill sa Pilinas. Imagine," sagot ko sa kanya. I have this little smile on my face. Paano eh ang cute niya habang nagrireklamo.
"Babe, feeling mo kailangan ng kompanya ng 'big break'? Kilala tayo worldwide. Worldwide! Tapos nagpapakapagod tayo kakasunod sa lintik na Bambam na 'yon. Ang baho pa ng pangalan."
Tumawa ako. "Bakit yung kaibigan mo inaaway mo eh ang mama niya ang client mo?"
"Ay 'wag dun, Tin. Mabait si tita. Pinapakain ako palagi ng mga favorite ko. Si Bambam nalang, gago kasi yun."
Tumawa ulit ako. Oh, the perks of knowing Mark so well. Akala mo sinong seryoso kapag unang kita mo eh. Pero napaka-abnormal pala. Kaya never akong na-bo-bore kapag siya ang kasama eh.
"Malapit na rin naman matapos. Presentation na tomorrow then launch next week. Then, freedom!" Pampalubag-loob ko sa kanya.
He sighed. "I know. I just miss you."
I smiled sadly because I feel the same. Iisang floor kami sa office pero halos hindi kami nagkikita.
"I miss you, too."
He groaned. "Stop."
"Ano?" I asked him, confused.
"Parang gusto kong tumayo dito at mag-drive papunta sa'yo kapag ganyan ka." He looked so serious. Gagawin talaga niya.
I rolled my eyes at him. Corny talaga. "Matulog ka na nga. Magpi-present ka pa bukas."
"Kunwari ka pa! Kinikilig ka, Christine!" Sumigaw siya ng malakas at sabay turo sakin.
"Good night!" Sabi ko just to tease him.
"Aminin mo muna! Kinikilig ka noh?"
"Bye!" Pinatay ko agad video call namin habang tumatawa. Agad siyang tumawag agad pero pinatay ko. Ang sarap niyang pikunin.
My phone beeped signalling a text message. Agad kong binuksan 'yun knowing it's Mark.
From: Psycho Boss

YOU ARE READING
Life Series #1: Onto Better Things
FanfictionLife Series Book 1 -------- All Tin wanted in life was to graduate and work in peace. She's half-way there because she already graduated and have got job offers, it's the 'peace' part she has to work on. Her life got so unbalanced because of a guy...