Weeks being Mark's girlfriend is both a dream and a nightmare.A dream kasi he's just perfect, in all context. Palagi niyang pinaparamdam na mahal niya ako, palagi niyang chinicheck kung kamusta ba ako, kung kumain na ba ako, kung may kailangan ba ako. Sinisigurado rin niya na may oras siya palagi para sakin. Kahit sobrang busy niya bilang isa sa mga executives sa kompanya, hatid at sundo pa rin niya ako. Minsan nga natatakot na ako kasi nasasanay na ako. Paano 'pag nawala 'to? Pero hindi naman. Forever na kaya kami. I hope.
On the other hand, naging nightmare kasi people in the office started talking again. Kung paano ko raw ginamit ang relasyon namin ni Mark para makapasok sa kompanya. Isaksak ko kaya sa baga nila ang pagka-cum laude ko?
I don't know kung alam ba ni Mark ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Hindi naman ako nagsusumbong sa kanya. I didn't wanna burden him with petty people and their petty opinions.
"Mark, pwede ba kahit one minute lang bitawan mo kamay ko?" I patiently asked him. Nandito kami ngayon sa National Bookstore. It's friday and he declared that we will have a date night. Nag-decide kaming manood ng movie so while waiting for it to start, naglibot muna kami sa mall. Gusto kong bumili ng libro pero hindi ako makapili kasi ayaw bitawan ni Mark ang isa kong kamay.
He glared at me a little. "May isa ka pang kamay. Bigay mo na sakin ang isa."
I rolled my eyes. "Napaka-clingy mo. Dito lang naman ako oh!"
"Fine," binitawan niya kamay ko kahit obvious naman na ayaw niya. Nakabusangot pa siya. Natawa nalang ako. Ang baby lang.
Sobrang naaliw ako maghanap ng libro at hindi ko namalayan na nawala si Mark sa tabi ko. Saan na naman napunta 'yun? Ayaw ako bitawan kanina tapos ngayon biglang nawala.
I walked around nang makita ko siya sa may educational books. Nakakunot-noo siya habang binabasa ang libro na nasa kamay. I walked towards him and peeked at the book. It was a law book. Sobrang immersed niya sa binabasa na hindi niya ako napansin sa tabi niya.
"Hoy," pagtawag ko sa kanya. He looked around with confused eyes at biglang napangiti ng nakita ako. He put back the law book in the shelf.
"Are you done already?"
"You want the book?" I asked ignoring his question. Alam ko naman na gusto niyang mag-law eh. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi niya pinagpatuloy.
He looked at the law book again and sighed. "Nah, done with that."
He was trying to act like it's nothing but I saw the change in his eyes. May konting lungkot sa mga ito. He was hiding it so well na kung hindi ko siya gaanong kilala, hindi ko iyon mapapansin. But I know him.
"Why did you give up law school, Mark?"
He looked at me and sighed. Alam niya na gusto ko talagang malaman.
"I don't want to ruin the mood tonight, Tin," he said still trying to avoid answering my question.
"Mark, girlfriend mo ako. You can tell me anything and I won't judge. And if you'll ruin the mood tonight, edi I'll make it better. I will listen and I will understand. Partners nga tayo diba?" I needed him to know that. Hindi naman pwede na ako lang palagi ang tinutulungan niya. I can also be there for him.
"Hala kinikilig ako," sabi niya habang pinipigilan ang pagngiti. Hinampas ko siya tuloy ng librong hawak ko.
"Magseryoso ka nga! Nagtatanong ako ng maayos."

YOU ARE READING
Life Series #1: Onto Better Things
FanfictionLife Series Book 1 -------- All Tin wanted in life was to graduate and work in peace. She's half-way there because she already graduated and have got job offers, it's the 'peace' part she has to work on. Her life got so unbalanced because of a guy...