Nagmamadali akong pumasok sa opisina ni Mark. Kakagaling ko lang sa ibang floor dahil may pinakuha sa aking mga files nang sabihan ako na pinatawag niya ako. Busy kaming lahat ngayon sa department dahil sa isang malaking project na sa amin ini-assign. Baka may kailangan siyang ipagawa sa akin. Double time pa namin kaming lahat ngayon at halos araw-araw nag-o-OT.
"Hey, pinatawag mo raw...."
Natigilan ako sa sinasabi ko dahil sa nakita. He was standing before his table with a big smile on his face. Wala na ang mga papel at folders na nagkalat sa lamesa niya these past few days. It was replaced by a feast of home-cooked meals. Naka-tupperware ang mga ito. Pochero, adobo, kawali at kanin.
"What is this?" Tanong ko kay Mark habang sinirado ang pinto at naglakad papunta sa kanya.
"Lunch?" He said gesturing to the food. May malaking ngiti sa mga labi niya. Napa-smile rin tuloy ako.
"Wow!" Sabi ko nung makalapit. Sobrang bango ng mga pagkain. "Mainit pa ah. Ikaw nagluto?
Medyo lumaki ang mga mata ni Mark. "Ah, yes?"
"'Di ka sure?" I laughed.
"Fine. Sila yaya nagluto n'yan. But! Ako nag-microwave dito para initin," he pointed to the microwave in the corner of his office. Proud na proud pa talaga siya.
"Why do this though? Okay naman ako sa cafeteria nalang kumain. Busy kaya tayo," sabi ko sa kanya pero natatakam na sa pagkain sa harap ko. Ang babango naman kasi.
"Nakikita ko kaya na late ka na mag-lunch. Ang payat mo na nga tapos hindi ka pa kumakain ng maayos," sabi niya habang seryoso ang mukha.
He handed me a paper plate and utensils. He then placed a chair behind me. Pina-upo niya ako.
"We've been so busy because of the project with BChill that we didn't even spend that much time with each other," sabi niya habang umupo na din sa harap ko para kumain.
"And so? Nagkikita naman tayo dito sa office," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. My whole attention was with the food. Nagsimula akong kumuha ng kanin. Mukhang masarap talaga ito.
"What do you mean 'so'? Syempre, na-miss kita," sabi niya nagpatigil sa akin sa pagkuha ng pagkain.
Tinignan ko siya. Kumukuha siya ng pagkain na as if wala lang siyang sinabi. Meanwhile, my heart is beating triple time. He's been courting me for almost a month now and not once did he fail to make me flustered. Walang isang beses na hindi ako namula kapag siya ang kasama. He's expressive. Sinasabi niya palagi kung ano ang nasa utak niya which is very corny at times.
But damn, I love it. I soak in it. It feels so good to be loved and to actually know it. Sa totoo lang natatakot na ako kasi lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Eat," Mark urged me when he noticed that I was not moving. Siya na mismo naglagay ng ulam sa plato ko. He also handed me a bottled water.
Nagsimula kaming kumain at tama nga ako. Sobrang sarap ng pagkain.
"So how's the project on your side? Done with all the revisions?" He asked while we were eating.
"Okay naman. We have the revised proposal to pass to you today. Sana naman makapasa na sa taste mo," I said while rolling my eyes. Paano naman kasi ilang beses na niya pinabalik ang mga ginawa namin with notes on how to improve it. Para kaming nag-thesis at siya ang adviser.
YOU ARE READING
Life Series #1: Onto Better Things
FanfictionLife Series Book 1 -------- All Tin wanted in life was to graduate and work in peace. She's half-way there because she already graduated and have got job offers, it's the 'peace' part she has to work on. Her life got so unbalanced because of a guy...