Sab's POV
*tokk..tokk..tokk..
"Sab!" Katok ni Breana sa kwarto ko.
"Yeah? Ano kailangan mo?" Tanong ko pero hindi ko pa rin binubuksan yung pinto ko.
"May ginagawa ka?" Tanong niya.
"Oo, sumasayaw." Sagot ko.
"Ng ano?"
"Growl by EXO"
"Importante ba yan?"
"Di naman. Gusto ko lang ipractice yung steps."
"Sab! Pakibuksan nga itong pinto!!" Iritang sabi niya.
Sinunod ko naman yun at bumalik ako sa pagsasayaw. Habang si Breana ay nakahiga sa kama ko.
"Di ka ba napapagod jan?" Nakakunot na noong sabi ni Breana.
"Nope." Cool kong sabi.
"Tara, shopping nalang tayo. nakakabagot dito sa bahay." Yeah! Mukhang exciting 'to.
"Sure." Energetic kong sabi. Wala namang pasok ngayon kaya okey lang na lumabas kami. Nakakasawa din namang magbasa at sumayaw lang dito sa bahay.
After kong magbihis bumaba ako ng kwarto ko para tanungin kay Breana kung nasakanya yung rubber shoes ko. Hiniram niya kasi last week.
Pumasok ako sa kwarto ni Breana pero wala siya kaya pumunta ako sa sala. "Breana, nasa- Ahhh!!"
"Yahh! Para kang nakakita ng multo ha?" Sabi ni Breana.
Napatakip ako sa bunganga ko sa sobrang gulat. "Bakit andito yang lalaking yan?!"
"Sasama siya saatin. Friends na natin siya diba?" Friends? Never!
"Kahit kailan hindi ko naging kaibigan yan. Duuh!" Pagsusungit ko.
"Grabe ka naman. Ginagawa ko na nga lahat para tanggapin mo ako bilang kaibigan eh." Nagpout si Zachary. Di pwede! Di ako nadadaan sa pout pout lang. Leshe!
"Oo-"
"Talaga?" Hindi pa ako pinapatapos ni Zachary ng magsalita ulit siya.
"No, what I mean. Oo, sasama ka saamin ni Breana para mag shopping ngayon pero hindi pa tayo friends." Taas ko ng kilay.
Nakita kong napasimangot si Zachary. "Aww." At biglang sumaya yung mukha niya. "Okey lang. At least, sasama ako sainyo ngayon. Pero sigurado ako, balang araw magiging kaibigan mo din ako." Asa siya.
Hinayaan ko nalang siya. Kjnuha ko na kay Breana yung rubber shoes ko at after nun umalis na kami.
Buong biyahe tahimik kami. Si Zachary yung nag dridrive. Siya naman yung nagpresinta na yung kotae nalang daw niya ang gamitin namin kaya hindi na namin ginamit yung kotse ni Breana.
BINABASA MO ANG
My Dream Korean Boyfriend
Teen FictionThere is a girl wants to meet and dreams to have a korean boyfriend someday. And when she met him, Maybe she met him because she's broken hearted. Maybe she met him because they are meant to meet each other. Maybe the reason why she met him it's bec...