Sab's POV
*kring..kring..
"Sab! Pakisagot nga yung telepono." Utos ni Breana. At agad ko namang ginawa. Nagluluto siya eh. Ako naghihiwa lang ng sibuyas.
["Hello?"]
["Good Morning Breana? Papa niya ni Sab 'to. Asan siya?"] Si papa pala. Akala niya ako si Breana.
["Pa! Si Sab po ito!"] Exciting kong sabi.
["Oh anak. Ikaw pala. Sasabihin ko lang pala sayo na babalik kami jan ng mommy mo ngayon. Kahapon pa kami nakaalis kaya ngayong umaga sunduin niyo kami sa airport. May business partner kasi kaming imemeet"] Sabi ni daddy. Excited na talaga ako. Uuwi ulit sila! Yesh! Yesh!
["Sige! Sige po dad!"] At binaba niya na yung telepono.
"Ano daw yun Sab?" Tanong ni Breana.
["Waa! Si daddy at mommy, uuwi ngayon! May business partner daw kasi silang imemeet! Sunduin daw natin sila sa airport mamaya"] Masaya kong sabi.
["Wow! Uuwi ulit sila tita. Ay pero wait, alam na ba nila na niloko ka ni Luke nun?] Tanong niya.
["Yep! Sinabi ko sakanila yun nung okay na ako."] Nakahinga naman ng maayos si Breana.
["Okay. Ahm. Dito ka nalang sa bahay. Puntahan ko lang sila Sunny sa bahay nila. Isasama ko na din sila lolo at lola. Dito muna sila tatambay. Sabay sabay tayong sunduin sila tita later." Excited na sabi ni Breana. Parang mommy niya na din si mommy. Inaanak na din nila mommy si Breana eh.
Tumango lang ako at pumunta na siya. Tinuloy ko yung niluluto ni Breana kanina. Hanggang sa dating na sila.
"Ate!!! Totoo ba yun? Darating sila mommy?" Sobrang saya na sabi ni Sunny at agad siyang lumapit saakin.
"Oo Sunny." Sagot ko.
"Yehey!!" Nakuu! Parang bata, eh 1st year high school na. Haha.
Nagkwentuhan muna kami at hindi na namin namalayan yung oras kaya nagpasya na din kaming sunduin sila mommy sa airport.
Pagdating namin sa airport, sinalubong agad namin sila mommy at daddy.
"Baby, i miss you so much!" Sabi ni mommy at niyakap ako ng mahigpit.
"Ma, I miss you too." At niyakap ko din siya.
"Sa bahay nalang tayo mag usap usap huh? Kasi naghihintay yung business partner natin." Aya ni Dad.
BINABASA MO ANG
My Dream Korean Boyfriend
Teen FictionThere is a girl wants to meet and dreams to have a korean boyfriend someday. And when she met him, Maybe she met him because she's broken hearted. Maybe she met him because they are meant to meet each other. Maybe the reason why she met him it's bec...