Breana's POV
After 6 months
"Ahahahahaha!" Dinig kong tawa sa kwarto ni Sab. Anong nangyayari dun sa baliw na babaeng yun?
Pumasok ako sa kwarto niya pero hindi niya ako napansin dahil nakafocus siya sa pinapanood niyang korean drama. Tska niya ang ako napansin nung umupo ako sa kama niya.
"Hey Breana! Samahan mo akong manood. Ang ganda oh!" She said. Sinamahan ko nga siya sa panonood. Pareho kaming adik sa koreanovela nuh. Pero hindi ako kasing adik ni Sab sa koreano. Haha!
After naming manood, nag unat siya ng katawan. "Ugh! I'm totally bored!" Sigaw niya at humiga sa kama niya. "Ano kayang pwede nating gawin Breana?" Tanong niya.
"Uhmm. Punta tayo sa bahay nila Zac." Sambit ko.
Tumayo agad siya at yung ekspresyon niya mukhang naeexcite. "Yeah! Good Idea Breana!" Pinalabas niya ako sa kwarto niya para makapagbihis na kami. I also texted Zac na pupunta kami sa bahay nila and he agreed.
Pagkababa ko, nakita ko si Sab na napakaganda ng suot niya. Mukhang nahawa na nga sa style ko eh. She looks bitch now. Haha! Basta ang ganda niya ngayon. Grabe, bumalik na talaga siya sa dating siya. Noon nung sila pa ni Luke, simple lang kung manamit yan. Pinagbabawalan kasi ni Luke na magara masyado yung suot niya.
Nagpresinta si Sab na yung kotse niya na ang gamitin namin. Nagkwekwentuhan lang kami ni Sab habang nagbibiyahe kami hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila Zac.
*ding..dong..
Agad naman binuksan ni Zac yung gate at pinapasok niya kami sa bahay nila. May kasama din pala si Zac dito sa bahay nila. Yubg tita niya at yung kapatid niya ang kasama niya. Pero yung kapatid niya. Mukhang pamilyar. Si Sab, napansin niya din na pamilyar sakanya yun kaya nilapitan namin.
"Waaa! Vince!" Sigaw ni Sab at niyakap si Vince.
"Yow! Kilala niyo?" Tanong ni Zac.
"Yes! Siya yung nakita namin sa park." Sagot ko.
"Ate!" Sigaw ni Vince at niyakap si Sab. Hayy, kahit kailan talaga. Malakas sa boys 'tong si Sab. Pati bata nagkaka crush sakanya. Kakaiba beauty ng bespren ko ee.
"Kilala mo siya Vince?" Tanong ni Zac kay Vince habang tinuturo si Sab.
"Opo." Wow! Magalang kay kuya. Haha! "Crush ko po." Lahat kami nagtawanan sa sinabi ni Vince.
Binatukan ni Zac si Vince pero mahina lang. "Hoy! Ang sama mo Zac! Batukan ba naman ang cute na bata?" Sabi ni Sab kay Zac at binuhat si Vince.
Umupo kami sa sofa nila Zac at nagkwentuhan. Ng may nagbabato ng bahay nila Zac sa labas at nagsisisigaw.
"Hoy! Zachary! Lumabas ka jan!" Sigaw ng babae sa labas at lumabas naman si Zac.
Sumilip kami ni Sab sa bintana at nakita namin yung isa sa mga bitches sa school namin. "Hey! What's your problem?" Cool na sabi ni Zac.
"Papasukin mo ako!!" Grabe naman yang babaeng yan!
"Sure." Sagot ni Zac at pinapasok naman yung babae. Baliw ba 'tong si Zac? Papapasukin niya yang babaeng yan? Mamaya imassacre kami dito eh.
BINABASA MO ANG
My Dream Korean Boyfriend
Teen FictionThere is a girl wants to meet and dreams to have a korean boyfriend someday. And when she met him, Maybe she met him because she's broken hearted. Maybe she met him because they are meant to meet each other. Maybe the reason why she met him it's bec...