Luke's POV
"Sorry Luke ha? Busy talaga ako ngayong araw. Sana maintindihan mo. Promise, babawi ako." Bakit ganun? Ang tagal na namin pero parang mas lalo siyang lumalayo saakin? Minsan nga wala kaming communication dahil busy siya. :(
"O-okay lang Sab. Naiintindihan kita."
"Salamat Luke."
"I Love you Sab."
*toot..toot..
Aww, ang sakit naman nun. Wala man lang 'I Love You too'. Ah, siguro hindi niya na narinig.
Limang buwan na kami pero sa dalawang buwan nun, parang hindi ko siya kasama. Kasi dalawang buwan nalang siyang laging busy. Alam ko namang dahil sa pag aaral niya yun. Kwento nga ni Breana, marami daw requirements and projects na ipapasa. May exam pa daw sila. Si Breana nga may time pang makipag bonding saamin pero si Sab, parang ang OA naman ata. Kapag may time kami ni Sab, lahi nalang siyang galit saakin. Hayy, ang gulo talaga niya. Pero kahit ganun yun, iintindihin ko pa rin siya kasi mahal ko siya. Kaya siguro lagi siyang galit saakin dahil stress siya.
Maagang pumasok si Sab ngayon. 5:30 nasa school na siya. Ako? 7:30 na ako papasok. Nakakawalang ganang pumasok. Pero papasok pa rin ako para makita ko si Sab.
***
@ Empire University
Naglalakad ako sa corridor ng may familiar na babaeng nakatayo sa tabi ng puno na may kayakap. Hindi kaya si.. SABRINA yun?
Kumawala sila sa yakap nila sa isa't isa. Tama nga ako. Si Sab at Zachary nga yun. Bakit ganun? Sobrang sakit! Yung akala kong sobrang busy siya yun pala, may kasama ng iba! Ano bang nagawa ko?! Naging mabuti naman akong boyfriend para kay Sab ha?! Bakit naghanap pa siya?! At ang tinuring ko pang kaibigan na si Zachary! Ang sakit naman! Girlfriend mo at best friend mo naglalandian sa harapan mo! Sa loob ng dalawang buwan, ganyan na pala ang ginagawa ng girlfriend ko. Putcha! Naloko na ako!
Sa sobrang sakit at hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas magandang hindi muna ako pumasok. Magdodota nalang ako kasama yung mga barkada ko. Sana hindi galit saakin ang mga barkada ko kasi wala akong time para sakanila at kay Sab ko ibinigay lahat. Ang sakit isipin na wala kang time sa mga barkada mo dahil binigay mo lahat sa taong mahal mo at siya pa ang nanloko sayo! sayo. Shit! Mahal kita Sab! Kaya ganto ako nasaktan ngayon.
Pagkapasok ko sa computer shop, bumungad agad saakin ang mga barkada ko.
"Luke! Long time no see."
"Wow! Naalala mo pa kami?"
"Buti naman at bumalik ka na?"
"Who you? Nakalimutan mo na ata kami eh! Haha! Joke lang."
"Gag*, gusto ko lang magdota ngayon kasi heartbroken ako mga dre! Haha!" Sambit ko.
BINABASA MO ANG
My Dream Korean Boyfriend
Teen FictionThere is a girl wants to meet and dreams to have a korean boyfriend someday. And when she met him, Maybe she met him because she's broken hearted. Maybe she met him because they are meant to meet each other. Maybe the reason why she met him it's bec...