Chapter 9: Break up

96 11 5
                                    

Sab's POV

Uwaaa!! Bakit umiiwas pa rin siya saakin?! Ano bang nagawa kong mali?! Hindi niya naman kasi sabihin saakin yung problema niya eh! Ganun ba siya? Sinasarili ang problema? Tapos biglaan nalang na hindi siya namamansin at gusto pa niya akong palayuin? Hayy, buhay!

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nag iisip. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Sab! Wag kang mag muk-mok jan! Andito si Zac! (Zachary)" Sigaw ni Breana sa baba.

"Oo na." Walang gana kong sagot. At bumaba na ako.

Pagkababa ko, nakita ko si Zac. May dala dalang boquet. Para kanino naman yun? Ah, siguro may gusto 'to kay Breana.

Nagulat ako ng binigay agad saakin ni Zac yung flowers. "Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya.

"Malay ko sayo. Ikaw bahala. Amuyin mo, paglaruan mo, idisplay mo or whatever." Loko talaga 'tong Zac na 'to.

"Hahaha! Ikaw talaga. Cge, thank you ha?"

"Welcome. Basta ikaw." Sabay kindat saakin. Hay naku, best friend ko talaga oh.

"Hoy Luke! Bakit ka anjan?! Pumasok ka dito!" Sigaw ni Breana at dali daling kumuha ng mga pagkain sa kusina. Nagulat ako ng nandito DAW si Luke?

Pagkalingon ko, wala naman siya. "Asan siya Breana? Wala naman siya?" Nagtataka kong tanong.

"Ah. Huh? Andun kaya siya sa harap ng gate kanina?" Nagugulhan niya ding sabi ni Breana. "Hayy, Nevermind. Baka guni guni ko lang. Or baka kamukha lang ni Luke yun." At biglang natigilan si Breana. "Hindi eh!! Siya talaga yubg nakita ko!!" Sigaw ni Breana.

"Halaa! Nagmumulto sayo Breana. Hahaha!" Pang aasar ni Zac.

Binatukan ko siya. "Gaga. Ano yun? Patay na siya? Hindii!!! Wag mong sabihin yun!!"

"Hahaha. Ikaw nga nagsasabi na patay siya eh."

"Hindi! Hindi! Hinding hindi mangyayari yun. Mahal ko yun. Papakasalan pa ako nun." Sabi ko. Waaaa! Miss ko na talaga siya!! Ang tagal na naming magkaaway! Pero walang naganap na break up ha?

"Ayiiehh! Sweet naman." Panunukso ni Breana.

"Ehem. Tara, may pupuntahan tayo." Change topic ni Zac.

"Saan?" Tanong namin ni Breana.

"Sa sementeryo." Nagulat kami sa sinabi ni Zac.

"What? Seriously? Sa sementeryo?" Gulat kong tanong.

"Baka andun si Luke." Nakita kong napangisi siya kaya bigla kong sinapak si Zac. As in sapak talaga ha? "Ouch naman! Ang amazona mo talaga! Joke lang yun noh?! Pupuntahan lang natin yung puntod ng parents ko."

My Dream Korean BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon