Chapter 5: I'm back

94 11 0
                                    

Sabrina's POV

Nagising ako dahil sa pagvibrate lang ng cellphone ko nang hindi ko alam ay nadaganan ko na.

*bzzz..bzzz

Bumangon ako at nagstretch ng katawan. Kinuha ko yung cellphone ko. Nagtext pala si Breana.

Sab! Bumangon ka na jan dahil sobrang late ka na!

Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. Tinignan ko yung time sa cellphone ko. Halaaa!! 9:30 na!! Sobrang late na ako!

Tumayo agad ako at binilisan ko ng kumain at maligo. Nag ayos lang ako ng konti at umalis na ako.

Pagdating ko ng school, walang katao tao. Sigurado ako, nagklaklase na yung mga yun.

Grabe naman kasi si Breana. Hindi man lang ako ginising. Na late tuloy ako. Tss.

Habang naglalakad, may napansin akong parang may sumasabay saakin sa paglalakad.

Pagkalingon ko, si Zachary?! The hell! Bakit andito itong bakulaw na 'to? Panira ng araw! Bwisit.

"Pwede pasabay?" Tanong niya saakin.

"Magkaklase tayo kaya malamang sabay tayo. Tss." Hindi man lang gamitin ang common sense ng lalaking 'to. Gwapo nga, wala namang common sense. Oh edi wow! Ako na ang matalino. Tss.

Inirapan ko nalang siya at nilagpasan sa paglalakad.

Pagdating namin sa classroom,

"Ms. Flores and Mr. David!" Bunganga agad ng teacher namin ang naabutan namin. Tss. -_- "Bakit late kayo?" Tanong niya.

"Ma'am kasi po may sakit ako. Kaya late po akong nakarating." Rason ko. O bakit? Totoo naman diba?

"Ikaw Mr. Zachary David?" Tanong nung teacher namin kay Zachary.

"Ma'am kasi po puyat po akong gumawa ng project." Sagog ni Zachary.

"Wow! Sampung project ba ang inassign kong project sainyo? Next time gawin ng maaga yang project mo ha?" Pagsasabi nung teacher namin kay Zachary. "Speaking of project, pass it now."

Oh my ghad! Hindi ko nga pala nagawa yung project ko kagabi kasi nagkasakit ako.

Lumapit ako kay Breana para tanungin kung nagawa ba niya yung project ko.

"Pst. Breana, nagawa mo ba yung project ko?" Bulong ko sakanya.

"Hindi eh. Hindi ko nga alam kjng may project ka o wala." Cool niyang sabi.

"WTF Breana! Sabi mo ikaw ang gagawa nun!" Pabulong na parang pasigaw na sabi ko sakanya.

"Chill ka lang. Umupo ka jan at mag relax." Sabay kindat niya saakin. Aba! Sino ba ang makakapag chill ng walang naipasang project? Tinotopak na ba ang utak ni Breana?

My Dream Korean BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon