Chapter 4: Plan

138 13 0
                                    

Breana's POV

"Oh Zachary, ano kailangan mo?" Tanong ko sakanya habang nakaupo siya sa sofa namin.

"Asan si Sab?" Tanong niya.

"Nasa taas. Tulog pa ata." Sagot ko. "Tawagin ko siya?"

"Hindi."

"Eh ano?"

"Ikaw talaga kasi ang kailangan ko eh." Medyo kinilig naman ako dun. Haha. Landi ko talaga. Basta pogi.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko. At umupo ako sa tabi niya.

"Pwede pahingi ng favor?" Nahihiya niyang sabi.

"Sure." Basta ikaw. Haha!

"Ahmm. Gusto ko sana kasing maging kaibigan si Sab. Kaso ayaw niya naman." Wala na akong masabi. May gusto ba 'to kay Sab? "Di bale nalang. Sige thank you. Aalos na rin ako." Loko 'to. Wala pa akong sinasabi aalis na agad.

"Huy! Sandali. Wala namang problema dun. Gagawa ako ng move. Sige alis ka na!" Haha. Siyempre magiging loko din ako sakanya.

Nanlaki yung mata niya at ngumiti ng abot tenga. Lumapit siya saakin. "Talaga?! Thank you Breana! Thank you! Thank you! Thank you!" Oh tapos ngayon hindi na makaalis dito sa bahay namin.

***

Muntanga lang akong nakanganga dito habang nagtuturo yung teacher namin. Ano kayanhmg gagawin ko para maging kaibigan ni Sab si Zachary?

"Class you have a project." Inexplain na nung teacher namin kung ano ang gagawin namin para sa isang project na yun. Individual daw kasing gagawin yun eh.

~Ting!

I have a bright idea. Napatingin ako kay Zachary na sinesenyasan siya na alam ko na ang gagawin.

*ring..ring..

Salamat at break time na. Ngayon, masasabi ko na kay Zachary kung anong plano.

"Bessy, sabay tayo." Masayang sabi saakin ni Sab.

"Aww. Sorry Sab. Hindi kita masasamahan ngayon. Tuturuan ko kasi si Zachary sa Math eh. Di niya daw masyadong maintindihan. See yah later nalang! Bye!" Palusot ko. Sorry Sab. Nag sinungaling pa ako sayo.

Sab's POV

Hmppft! Ang bad nila. Pwede naman akong sumama sakanila kahit nagrereview sila. Hindi naman ako mangingistorbo dun ah.

Dumeretso nalang ako sa cafeteria para dun nalang ako magbreak. Ng may magtxt saakin.

*toot..toot..

"Bessy, bili ka na ng mga materials natin sa project. Tayo nalang gagawa mamaya. Ingat." Wala din naman akong ginagawa kaya bibilihin ko nalang yung mga materials para sa project.

"Ok." Reply ko.

Paalis na sana ako ng may tumatawag.

Unknown number.

["Hello? Sino po ito?"] Tanong ko.

["Ate si Sunny ito. Sunduin mo na po ako dito sa school. Hindi ako sinundo nila lola eh."] Hayy, si Sunny pala. Yung Grade 5 kong kapatid.

My Dream Korean BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon