Chapter 13 ★ Death Warning

6.5K 256 8
                                    

Yay! Bilis ko mag update! Kaso this is short lang hehe.

Chapter 13 - Death Warning

Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin at nag dirediretso ng higa sa kama.

"Thank you!" Sabi ko sa sarili at niyakap ang aking unan.

Huminga ako ng malalim at mas lalong pinakiramdaman ang malambot naming kama. Masyado akong napagod at gusto ko na lang matulog buong araw.

Nag jogging kasi ako kasi feeling ko sobrang taba ko na dahil wala na kong exercise pag dating ko sa paaralang 'to. Feeling ko di na ko healthy.

Tinignan ko kung anong oras na at nakita kong seven na. Walang pasok ngayon kaya nag jogging ako. Tinignan ko si Crissia na natutulog pa rin dito sa kama at hindi man nagising sa pag bagsak ko dito sa tabi niya.

Tumayo na ko at pumuntang banyo. Naligo na ko at nagbihis. Lumabas ako ng kwarto namin at pumuntang cafeteria. Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi pa ko nag be breakfast at kaunti lang ang kinain ko kagabi dahil wala akong gana.

Bumili na ko ng pagkain ko at kumain ng mag isa. Wala pa masyadong tao ngayon dahil maaga pa naman at wala ngang pasok ngayon. Siguradong nasa sarili pa nila iyong mga kwarto at mahimbing ang mga tulog.

Kumakain ako ng may maramdaman ako.

Eto na naman at nagtataasan na naman ang balahibo ko sa katawan. Nakaka ramdam na naman ako ng chills at hindi ko gusto iyon.

Tinigil ko ang pagkain at hinimas himas ang batok ko. Napakagat ako sa labi ko at lumingon lingon sa paligid. Lahat sila ay nag uusap lang at kumakain. Binalik ko ang tingin ko sa kinakain ko.

Iniling ko ang aking ulo at inisip na baka sa sarili ko lang iyon. Pero, alam kong hindi.

Inalis ko na lang iyon sa aking isipan at tinuloy ko na lang ang aking pagkain. Pero ngayon binilisan ko na dahil alam kong may nag mamasid sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na agad ang aking tray. Lumabas na agad ako ng cafeteria at binilisan ko ang aking pag lakad.

Naglalakad na ko sa hallway pabalik sa kwarto pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali dahil alam kong may nagmamasid sa bawat galaw na ginagawa ko.

Napapikit ako ng mariin sa pagkainis. Last week ko pa 'to nararamdaman. Halos araw araw pa nga at kinakabahan na ko. Pakiramdam ko ay lahat ng kilos ko ay alam na ng nagmamasid na ito.

Napatigil ako ng maka rinig ako ng yabag. Tumingin ako sa likod ko at wala namang tao. Sigurado akong hindi niya na lang ako tinitignan at sinusundan niya na rin ako.

Napatigil ako ng maalala ko yung sinabi sa amin dati ni Professor Alexis na may nagmamasid daw dito sa school. Pinag iingat niya kaming lima sa kung anong pwedeng mangyari.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero nararamdaman ko pa din 'yun.

Sawa na kong makipag laro sa kanya. Ayaw niya kong tigilan kaya ibibigay ko ang gusto niya.

"Shit!" Mas diniinan ko pa ang pag sakal sa kanya. Kitang kita ko ang pag baon ng kuko ko sa leeg niya dahil sa higpit ng kapit ko dito.

"Ba't mo ko sinusundan?" Mariin kong tanong sa kanya. Lumuwag ang hawak ko sa leeg niya para makapag salita siya.

"A-ano bang s-sinasabi mo?" Nauutal na tanong niya kaya tinignan ko siya ng masama. Gulong gulo ang mata niya at kita ko rin doon ang takot na maari kong gawin sa kanya.

"Mag mamaang maangan ka pa?" Galit na tanong ko at humigpit ulit ang pag sakal ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pilit itong inaalis. Pulang pula na ang mukha niya at hindi na siya makahinga ng maayos.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon