Chapter 4 ★ Voices

12.5K 423 17
                                    

Chapter 4 - Voices

(Revised Chapter)

Naglalakad na ako dito sa hallway. Hindi ko pa rin ma process sa utak ko ang sinabi ni Prof. Alexis. Ako daw ang heaven power user?

May hinala na ko dati na ako ang heaven power user noong bata ako. Kaso di ko naman alam ang meaning non. Dati kasi narinig ko sila Mom at Mamita na naguusap. Narinig ko rin na maghihiwalay na daw sila ni Dad. At doon ko napatay 'yung sarili kong kapatid kaya hanggang ngayon galit na galit pa rin si Dad sa akin.

*Flashback*

Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa sala. Wala si dad dahil nasa trabaho ito.

"Ma, nakita ko si Callix na napapalibutan ng apoy, tubig, dahon, at malakas na hangin, noong isang araw nangyari yun. Ma, kinakabahan ako. Paano kung si Callix ang heaven power user?" Kwento ni mom kay mamita. That's true, yung nakita ni mommy. Hindi ko alam kung paano yun nangyari pero nag eenjoy ako sa ginagawa ko.

"Edi magiging pinakamalakas pala yung apo ko pag nagkataon." Pabirong sabi ni mamita.

"Ma naman, hindi pwede, you know that! Mapapahamak lang si Callix kung siya ang heaven power user!" Inis na sabi ni mommy at halatang hindi siya mapakali.

"Ano ka ba naman! Kung ang anak mo ang napili, tanggapin mo. Kasi ayun ang kapalaran niya." Sabi ni mamita habang nakatingin kay mommy at bahagyang umirap.

"Ma, hindi pwede. Ayokong mapahamak ang anak ko! Hindi ko siya pagaaralin sa Academy!" Sabi naman ni mom na ikana kunot ng noo ni mamita. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni mommy.

"Nak, nahihibang ka na ba? Anong hindi pagaaralin sa Academy? Hindi ka sigurado kung siya nga ang heaven power user kaya wag kang mag desisyon ng ganyan! Ano? Papalakihin mo si Callix dito sa mundo ng mga ordinaryong tao? Kung siya ang napili, tanggapin mo! Wag mo siyang itago dahil makikita at makikita rin siya ng mga power user. At paano kung ang makakita sa kanya ay ang Dark Lord? Madaming mapapahamak. Isang maling desisyon mo lang pwedeng mapahamak lahat ng power users!" Tumaas na ang boses ni mamita. Ano bang pinaguusapan nila? Alam kong hindi ako ordinaryong tao dahil gumagamit ako ng kapangyarihan pero patago yun para hindi makita nila Mom, Dad, at ni Mamita.

"Ma naman." Nahihirapang sabi ni mommy.

"Ano, nagiging ganyan ka ba dahil kay Axel? Diba sabi ko sayo hiwalayan mo na 'yan?!" Inis na sabi ni mom kaya galit na humarap si mommy kay mamita.

"Mama, walang ginagawang masama si Axel kaya wag na wag niyo siyang idadamay dito!" Galit na sabi ni mommy kay mamita.

"Wala?! Tignan mo nga, sumasagot ka na sa akin dahil sa Axel na 'yan! Sinasabi ko sayo, hiwalayan mo na si Axel!" Galit na sigaw ni mamita.

"Mama, hihiwalayan ko naman siya sa tamang panahon! Mabait na tao si Axel, kaya nahihirapan ako! At may anak kami mama, si Callix yun! At madadagdagan pa yun ng isa!" Sigaw ni mommy.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni mamita.

"Magkaka anak na ulit ako! Buntis ako, ma!" Naiiyak na sabi ni mommy.

"Wala kong pakealam! Hiwalayan mo na si Axel! Anak, babagsak na ang company na itinaguyod ng papa mo! Hiwalayan mo na 'yan, ah? Tanggap naman na ng pamilya na 'yon na may anak ka na!" Sigaw ulit ni mamita.

"Oo na, mama!" Inis na sabi mommy at mag wo-walkout na sana ng bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Mommy, iiwan mo si Daddy?" Umiiyak na tanong ko. Lumuhod siya para magkapantay kami. Hinalikan niya yung noo ko at nagluluha na ang mga mata niya.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon