Chapter 2 ★ Sirius Buenavista

15.3K 448 41
                                    

Chapter 2 - Sirius Buenavista

(Revised Chapter)

Nagising ako ng pakiramdam ko ay nahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Fuck." Sabi ko at napahawak sa puwetan ko.

Shit, ang sakit. Nakakainis naman, oh. Ang laki laki ng kama tapos nalaglag pa ko? Katangahan nga naman, Aezelle.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas tres na ng madaling araw. Ang tagal ko pa lang nakatulog.

Napatingin ako kay Crissia na himbing na himbing sa pagtulog niya. Langya, hindi man lang siya nagising? Masyado bang masaya yung panaginip niya at nakalimutan niyang icheck ako? Malay mo nabagok pala ko tapos ayun tulog pa rin siya. Wow, layo ng narating ko.

Nahiga na lang ulit ako sa kama at pumikit. Matutulog na lang ulit ako.

5 minutes...

10 minutes...

15 minutes...

Napadilat na lang ako at tinignan ang kisame. Halos 30 minutes na akong nakapikit pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Inis na napaupo ako sa kama at nagulo ko na lang ang buhok ko.

Tumayo ako at kinuha yung cellphone ko. Binuksan ko ito pero ayaw bumukas. Hala, nagloloko? Tinry kong paulit ulit na buksan ito pero hindi talaga bumubukas.

Sa pagkainis ko napaupo na lang ako sa couch at napapadyak sa inis. Chinarge ko naman to, ah? Napatingin ako kay Crissia. At ang babaeng yun, himbing na himbing pa rin sa pagtulog niya.

Nakaupo lang ako sa couch habang nakatulala. Wala akong magawa. Tapos nasira pa ata yung cellphone ko.

Tumayo ako at kumuha ng jacket. Lumabas ako sa dorm at napakapit ako ng mahigpit sa dalawang braso ko sa sobrang takot at dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin pagka labas ko. Ang dilim dito sa hallway. Ako lang ang tao at napaka tahimik. Ang tanga naman kasi! Lumabas ng alas tres ng madaling araw? Magaling.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa soccer field. Ang ganda talaga dito. Nakikita ko ang paligid dahil sa liwanag ng buwan pero di ko pa rin talaga maiwasan ang kilabutan.

Napatigil ako ng mapunta ako sa harap ng isang gubat, ang creepy. Pero dahil sa nag mamagaling ako, papasok pa rin ako.

Papasok pa lang ako ng makarinig ako ng may nag salita at biglang nag taasan ang balahibo ko sa katawan.

"Wag mo ng subukan kung gusto mo pang mabuhay." Napatigil ako sa paghakbang ng paa ko. Nagtaasan lalo lahat ng balahibo ko. Napalunok ako at unti unting humarap sa taong nasa likod ko.

Anong nakita ko? Isang panget na lalaki na sa sobrang panget sarap niyang ipadala sa heaven para mawala na sa mundong ibabaw. Pero syempre joke lang 'yun. Nakakita ako ng isang lalaking anghel na bumaba sa lupa para maging kabiyak ko habang buhay. Pero syempre joke lang ulit 'yun, walang ganon.

"At bakit naman, ano 'bang meron dyan?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko at tinuro yung gubat. Tinignan niya ko. Nakakatakot ang mga tingin niya na akala mo ready na niya akong lamumin ng buhay.

"Wag mo ng alamin." Sagot nito at tumalikod na.

"Wow." Yan na lang ang lumabas sa bibig ko dagil sa ugali ng taong 'to.

"Ang sungit naman, nagtatanong lang naman ako. Hindi naman pogi." Bulong ko at napairap. Umiling iling na lamang ako at umirap.

"Anong sinabi mo?" Sabi niya at lumingon. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Umiling ako. Tumaas yung kilay niya at biglang tumalikod.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon