Chapter 15 ★ Forest

6.2K 256 12
                                    

Chapter 15 - Forest

So, narinig ko nga sa usapan nila Sirius na birthday ni Simon ngayon. May naisip na kong regalo sa batang iyon at alam kong magugustuhan niya talaga ito.

Alas tres na ng madaling araw at nandito ako ngayon sa harapan ng gubat. Sinadya ko talagang pumunta ng madaling araw para siguraduhing tulog na silang lahat at wala ng makakapigil sa akin. Ngunit hindi ko maiwasang matakot o kilabutan dahil wala akong kasama ngayon.

Nahigit ko ang hininga ko ng may narinig akong kaluskos. Unang pumasok sa isip ko ay mag tago sa likod ng punong ito kaya ayun ang ginawa ko.

Sumilip ako at nakitang guard lang pala iyon na nag iikot sa paaralan. Nanatili akong nakatago dahil sigurado na kapag lumabas ako dito ay didiretso ako sa opisina ni Professor Alexis. I can't let that happen dahil kakaayos lang namin at ayoko ng sagabal sa plano ko.

"May tao ba dyan?" Narinig kong sabi ng guard kaya mas siniksik ko pa ang sarili ko sa puno at sobrang pinagpapawisan na ako.

Hindi ako sumagot at nanatiling tinikom ang lamang ang aking bibig.

Lord, iligtas niyo po ako sa gwardyang ito na maaaring sumira ng plano ko.

Nanlaki ang mata ko ng may natapakan akong sanga na nakapag create ng ingay. 

Mahina akong napamura.

"May tao ba dyan?!" Sumigaw na yung guard kaya napalunok ako at hindi ko na halos alam ang aking gagawin.

Tumapat sa puno ang flashlight na hawak niya kaya halos hindi na talaga ako huminga. Fuck.

Sandamakmak na records na sa office ang natatamasa ko at sana hindi na madagdagan pa ito.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngunit may naisip ako na hindi ko alam kung uubra ba sa taong 'to.

"Meow." Napakagat ako sa labi ko sa kabaliwang ginawa ko. Hindi ako makaisip ng ibang paraan at ito lang ang pumasok sa kokote ko.

"Ano ba yan? Pusa lang pala at akala ko naman kung ano." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa gwardya. Hindi ako makapaniwalang napapaniwala ko siya sa kagaguhan ko.

Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag niya na papalayo ng papalayo.

Huminga muna ko ng malalim bago lumabas sa pinagtataguan ko. Lumingon lingon muna ko sa paligid upang masiguradong walang naka bantay. Nung na sigurado ko ng wala humarap na ulit ako sa gubat at nag isip.

Kung papasok man ako sa loob, iniisip ko kung makakalabas pa ba ako ng buhay o kung buhay pa 'yung aso na 'yun. Whatever.

Pumasok ako sa loob ng tahimik. Kada hakbang na ginagawa ko ay hindi ako mapakali. Siguro ay ilang minuto pa ang lumipas ng paglalakad ko ng maisipan ko ng sumigaw.

"Pochi!"

Napairap ako sa ginagawa ko. Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko 'to para sa batang 'yon.

Nilibot ko ang paningin ko with flashlight. Kumunot ang noo ko at napailing.  Wala namang kakaiba dito o kahit anong mapanganib katulad ng sinasabi nila. Masyado nilang tinatakot mga sarili nila. Parang tanga lang.

"Pochi!" Sigaw lang ako ng sigaw kahit alam kong hindi naman nagsasalita ang aso na 'yon.

"Pucha! Nasaan na ba 'yung lintik na aso na 'yon?!" Inis na sigaw ko. Para namang sasagutin ako ng asong 'yun kung sisigaw lang ako ng sisigaw dito. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa yun dahil two weeks stock na din yun dito.

Napatigil ako sa paglalakad ng may maramdaman ako. Parang ang daming matang nakatingin sa akin at sobrang hindi ako kumportable sa pakiramdam na iyon.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon