Chapter 16 ★ Visit

5.7K 247 5
                                    

Ang taray ko. Ang bilis ko ng mag update hahaha. Kaso short lang hahaha.

Chapter 16 - Visit

Napaungol ako ng igalaw ko ang katawan ko. Pinilit kong umupo kahit gusto ko ng mamilipit sa sakit na nararamdaman ko.

"Aezelle, you're awake!" Gulat na sabi ni Crissia at agad na lumapit sa akin. Tinulungan niya kong umupo at kita kong nanginginig ang kamay niya.

"Ano? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba? Mag salita ka, please." Natatarantang tanong niya.

"Okay lang ako, tanga. Huwag ka nga mag react ng ganyan. Hindi pa naman ako patay at nasa harapan mo pa rin ako." Sabi ko sa kanya at napairap.

"Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at nagka ganyan ka?!" Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo! Ano ba kasing nangyari sayo, ha? Alam mo bang muntikan ka ng mamatay dahil sa mga sugat mo!"

Tinitignan ko lang siya sa pag sigaw sa akin habang dinuduro niya naman ang katawan ko.

"Hindi pa kita mapagaling dahil napakalala ng mga sugat mo! Kumalat na yung lason sa katawan mo at buti na lang magagaling ang mga doctor dito!"

Magsasalita na dapat ako ngunit bumuka na naman ang bunganga niya.

"Ano ba kasing nangyari, Aezelle? Halos dito na ko tumira araw araw dahil sa pagbabantay ko sayo! Ni hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sa pasyenteng binabantayan ko!"

Hindi ako nag salita at nag abang pa ko kung may karugtong pa ang sasabihin niya. Pero, wala na at nag simula na siyang umiyak.

Teka, ilang araw na ba kasi akong nandito?

"Wag ka ngang umiyak, Crissia! Parang tanga naman 'to! Halika nga dito!" Sabi ko at agad na hinablot ang kamay niya.

Agad ko siyang niyakap kahit mahirap dahil sa pwesto namin at dahil masakit pa rin ang katawan ko.

"Nakakainis ka! Halos mamatay na ko dito dahil lang sa pagaalala sayo dahil sabi ng doctor pwede kang mamatay kahit anong oras dahil sa lason!" Napabuntong hininga ako.

"Wag ka ngang umiyak." Napairap ako.

"Ano bang iniiyak mo? Hindi pa naman ako patay at nasa harapan mo pa ko. I'm still alive pero kung maka iyak ka dyan kala mo namatay na ko." Napangiwi ako dahil sa nasabi ko.

"Aray." Sabi ko ng bigla niyang hampasin yung likod ko kaya napakagat ako sa aking labi.

"Well, you deserved it! Pinagalala mo ko ng sobra!" Napailing na lang ako at binitawan na siya.

"Humanda ka talaga sa akin pag gumaling na ko." Pagbabanta ko at pinanlakihan siya ng mata.

"So, ilang araw na ko dito?" Tanong ko habang inaayos ang aking unan na naka patong sa aking hita.

"Ons week na rin." Nalaglag ang panga ko.

"What? Anong one week? Are you serious?" Tinaasan niya ako ng kilay bago tumango.

"Pero, hindi nga kasi. Ano ba talagang nangyari?" Hindi siya mapakali at gustong gusto niya ng makahanap ng sagot sa tanong niya.

Magsasalita pa lang sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si dad.

Tinikom ko ang bibig ko at parang biglang may bumara sa aking lalamunan.

"Aezelle." Tinignan ko lang muna siya saglit bago ibuka ang bibig ko.

"Bakit kayo nandito? What do you need?" Hindi ko maiwasan ang bunganga ko.

Biglang tumikhim si Crissia at tumayo ng maayos kaya napatingin ako sa kanya.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon