Chapter 35 ★ 2nd Mission

4.6K 167 3
                                    

Chapter 35 - 2nd Mission

"Ba't mo naman kasi hinayaang mawala?!" Tinignan ko ng masama si Gio ng makwento ko ang nangyari sa kanya noong isang araw.

"Pati ba naman ikaw?!" Sigaw ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Hindi mo nga binenta pero nawala mo naman." Napabuga na lang ako ng hangin dala na rin ng frustration na nararamdaman ko.

"Kung tulungan mo na lang kaya ako dito, diba?" Sarcastic kong sabi sa kanya habang winawalis ang mga kalat ng mga letseng stupidyante dito.

"Teka nga lang. Ba't ka nga pala ulit nagwawalis?" Napabuntong hininga ako sa katangahan ni Gio.

"Kasi nga po punishment ko 'to sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Kasalanan ko bang mawala 'yun?!" Nanggagalaiting sigaw ko at napairap.

"Chill ka nga lang, pwede ba? Kasalanan mo naman talaga, e. Oh, ano? Sino sisisihin mo? At saka ba't di mo gamitin 'yang kapangyarihan mo? Ano? Useless ka na ba?" Tumawa siya ng malakas at parang tuwang tuwa pa siya sa kalagayan ko.

Tinignan ko siya ng masama at saka nag mura. Hindi siya nakakatulong sa akin.

"Will you please up?!" Naiinis na sabi ko dahil naalala ko na naman kung bakit hindi ko magamit gamit ang kapangyarihan ko.

May sinuot kasi saking silver na bracelet si Professor Alexis tapos noong sinubukan kong tanggalin na kuryente lamang ako. Tapos nung sinusubukan ko ng gumamit ng kapangyarihan hindi ko na magamit.  Sabi nung matandang 'yun, hindi ko daw maalis ang bracelet na 'yun hanggang hindi siya ang nagaalis at bilang kaparusahan sa kasalanang hindi ko ginawa, pinaglilinis niya ko ng buong school ground kung hindi ko daw 'yun susundin, hindi niya na daw 'to tatanggalin. Saya, diba?

"Oo nga pala, Aezelle. LQ pa rin kayo ni Sirius?" Kumunot ang noo ko sa narinig ko kay Gio at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Anong LQ pinagsasabi mo? Maluwag na ba turnilyo mo sa utak?" Sigaw ko at itinaas ang walis kaya bigla siyang napalayo sa akin habang tumatawa. 

"Epal ka. Ang pinoproblema ko ngayon ay si Nathan. Hayop na nata de coco 'yun. Bigla bigla na lang nawawala!" Inis na sabi ko at bumalik sa pagwawalis.

"Ikaw naman. Stay positive lang, pwede ba? Babalik din 'yon." Napangisi naman ako.

"Talaga. At talagang malilintikan siya saking hayop siya. Ang dami dami ko na ngang problema dumagdag pa siya? Masyadong pa importante ang taong 'yon." Umiiling na sabi ko. 

Tumawa naman ng tumawa si Gio na parang tanga at gusto ko ng ibaon ang walis na hawak ko sa bunganga niya.

"Hoy, ikaw. Narinig ko 'yun, ah!" Tumaas ang kilay ko at nilagay ang kamay ko sa aking beywang dahil tawa na naman siya ng tawa.

"What's so funny, you freak?" Naiinis na tanong ko.

"Natatawa kasi ako sayo. Ang puti puti mo tapos nagbababad ka ng sobra sa araw. Tignan mo naman ang itsura mo, para ka ng kamatis!" 

Kumunot ang noo ko at napatingin sa balat kong mapula na dala ng tirik na tirik na araw. Kinuha ko yung nakasabit sa balikat ko na twalya at ipinunas iyon sa basang basa na pawis sa mukha ko.

Grabe na 'to. Never kong naisip na mag ja-janitress lang ang ako sa lahat ng paghihirap ko.

"Kahiya kasi sayo, ano? Sobrang gentlemen mo kasi." Sarcastic kong sabi pero humalakhak lang siya. Paano naman kasi pinuntahan niya ko dito tas may dalang payong pero ni hindi man lang ako silungan at nagsosolo lang. Saya, diba?

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagwawalis kahit ang hapdi na ng balat ko.

"Ayan na nga. Nakakahiya naman sa'yo." Kumunot ang noo ko at biglang napatingala ng biglang may humarang na payong sa itaas ko. Napangiti naman ako ng lihim at pinagpatuloy na lang ang pagwawalis.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon