Chapter 5 ★ Wound

10.8K 415 16
                                    

Chapter 5 - Wound

(Revised Chapter)

"Mag ingat ka nga!" Inis na sabi ko sa nakabunggo sa akin. Badtrip pa rin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Nathan kahapon. Naglalakad na ko papunta sa classroom. Iniwan ako ni Crissia kanina at wala naman akong kakilala rito para samahan ako.

Ng makarating ako sa harap ng classroom. Kunot noo ko itong binuksan. Lahat sila napatingin sa akin pero ako deadma lang. Nakita ko pa si Nathan at Kierra na magkatabi sa dulo kaya napairap ako.

Uupo na sana ako ng magsalita yung Professor sa harap.

"Miss?" Tanong niya kaya napairap ako.

"Aezelle Florentino, okay na?" Inis na sabi ko at umupo na. I know I'm being rude pero anong magagawa ko? Ganito ako.

"Hello, I'm Flora Santiago." Sabi ng katabi kong babae. Maganda siya at mukhang mabait. Pero tinaasan ko siya ng kilay at napailing na lang.

"Walang nagtatanong at walang may pakealam." Sabi ko at inirapan siya. Hindi ko kayang maging mabait ngayon dahil sa pesteng Nathan na 'yun!

Mukhang napahiya siya kaya nakinig na lang siya sa professor na hindi ko kilala.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko kay Flora daw. Tinutukoy ko yung Professor na nagtuturo sa harapan. Nilingon niya naman agad ako ng may ngiti sa labi.

"Sino? Si Professor?" Tanong niya kaya napairap ako. Is it obvious?

"Hindi, ako. Anong pangalan ko?" Pilosopo kong tanong.

"Uhhh- She's Professor Pearl. Siya yung pinaka favorite ko. Sometimes hindi, kadiri kasi yung mga ingredients. She's a potion teacher." Napatango ako. That's actually cool.

Biglang may tumabi sa akin kaya napatingin ako dito. At nagulat ako ng makita ko si Sirius, yung may PMS sa soccer field at ang dahilan ng pagkasunog ng balat ko pero magaling na. What is he doing here? God, classmate ko pa siya?

Napatingin siya sa akin at napataas ang kilay. Napaka bakla niya. Oh my, God. Lord, help him. Sayang ang mukha.

Inirapan ko lang siya at humarap na sa professor na walang pakealam at daldal lang ng daldal sa harapan.

"Open your books, please. Page 5." Sabi nung professor kaya nilipat ko sa page five yung libro na nasa lamesa.

"Love potion?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ng makita ang title ng lesson namin. Ano ba 'to?

"Yes, Ms. Florentino. Love potion." Sabi ni Professor Pearl.

"So?" Tanong ko.

"So, gagawa tayo ngayon ng love potion." Madaming natuwa pero ako nakakunot lang ang noo. Seriously?

Pinapasunod lang sa amin ni prof. yung nasa book. Meron na naman lahat kaming ingredients dito and I don't like the smell of it. Kahit ang mga texture ng lahat ng ito ay ni isa wala akong nagustuhan.

"What the hell?" Nasabi ko na lang ng mabasa ko yung nasa book.

"Seryoso ba 'to, Flora? Tae ng kalabaw? As in poop? Y'all crazy." Gulat na tanong ko. Napalingon siya sa akin at tumango. Mukhang nandidiri din siya at hindi maipinta ang mukha niya.

"Oh, that's gross." Nasabi ko na lang at medyo nangisay. Yung parang na iihi. Because ayun ang dapat na reaction ko dito.

"The fuck." Nasabi ko na lang nung pinaghahalo halo ko na yung engridients. Kaunti na lang ay alam kong masusuka na ko dahil sa paghahalong ginagawa namin.

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon