8th Place: They Sing It You Write It, One Shot Story Making Contest (season 3 - round 1)
-
--
"Shauran! Anak gumising ka na. Baka abutan ka nanaman ng traffic sa daan." rinig kong sabi ni mama matapos nitong katukin ang pintuan ng kwarto ko.
Pupungay-pungay pa ang mga mata ko. Sa totoo lang, masyado pa talagang maaga para sa oras ng pasok ko. Araw-araw akong ginigising nang ganitong oras ni mama, pero hindi naman ako nagrereklamo. Bihira narin kasi ako dito sa bahay kaya naman gusto ko rin silang makasabay kumain. Kung hindi kasi ako nasa trabaho ay tulog naman ako dito sa bahay at gigising lang ako 'pag papasok na akong muli.
Hindi na ako sumagot sa pagtawag na 'yon sa akin ni mama, ganun naman siya lagi eh. Isang tawag lang sa'kin ay alam na niyang gising na ako. Kilalang-kilala na talaga ako ni mama.
Nag inat-inat lang ako saglit at dinama ko pa ang higaan ko bago ako tuluyang tumayo. Hindi ko na niligpit pa ang pinagtulugan ko at dumiretso na sa lababo sa kusina para mag hilamos agad-agad.
Madalas sinasabi sa akin ng kapatid ko na tila isang zombie raw ako kung maglakad tuwing bagong gising. Natatawa nalang din ako kapag sinasabi niya 'yon. Aminado rin naman kasi ako, kulang na kulang kasi ang tulog, at medyo humahapdi pa ang mata ko tuwing gumigising dinadaan ko na lamang iyon sa paghihilamos. konting sakripisyo makasabay ko lang kumain itong kapatid kong babae at ang pinakamamahal kong mama, tutal nakakatulog parin naman ako minsan tuwing coffee break sa trabaho.
Nasa hapag-kainan na kame, maingay at nagkukwentuhan ganito talaga kami kumain madaldal. Pinag-uusapan lang namin ang trabaho ko at pag-aaral na rin ng kapatid ko. Minsan napag-uusapan rin namin ang mga kapit-bahay namin. May mga nasasagap din kasing tsismis si mama sa labas, at pinagtatawanan nalang namin iyon ng kapatid ko dahil puro nakakatawang kwento lang tungkol sa kapit bahay ang nasasagap ni mama.
"Ah kuya may sasabihin pala ko sayo." biglang seryosong singit ng kapatid ko matapos naming magtawanan dahil sa sinabi ni mamang kwento tungkol sa nangyari sa kapit-bahay namin. Naging seryoso rin ang mukha ko nang makita ko ang kaniyang mukha. Tila hindi maganda ang gusto niyang sabihin.
"Kung sasabihin mong buntis ka, sinong ama? Dalhin mo dito ipakilala mo sa akin bukas na bukas din." seryoso kong sabi sabay subo ko ng pagkain.
"Kuya..."
"Ano?" tanong ko sa tila pagkontra niya sa sinabe ko.
"Para kang baliw kuya! Buntis agad, 'di ba pwedeng sasabihin ko lang na may nanliligaw na sa 'kin."
Ah 'yun lang pala yung sasabihin niya, akala ko naman kung ano na. Buti pa itong kapatid ko ay pumapag-ibig na. Ako, kailan ba 'ko huling humanga o nagka-crush bukod sa mga sexy na artistang pinagnanasahan ko at pinapangarap na makatabi matulog? Kailan nga ba? Nung nag-aaral pa ako?
BINABASA MO ANG
Shorts! (Maiikling Kwento)
Short StoryCompilation ng mga maiikling kwento sa iba-ibang genre. Cover by : @searchandrescue (c) 2015