Sayang na Panahon.

149 13 22
                                    

10th Place: They Sing It You Write It, One Shot Story Making Contest (season 3 - round 2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10th Place: They Sing It You Write It, One Shot Story Making Contest (season 3 - round 2)

--

Sumisipol ang hangin, tila galit na galit ang dagat sa lakas ng hampas ng mga alon nito. Hindi magandang tanawin para sa akin pero nandito parin ako pinagmamasdan ang dagat. kahit sobra-sobra akong nasasaktan sa mga kaganapang ipinapaalala nito sa 'kin.

Hindi pala porket ginamit mo ang utak mo ay tama na ang desisyon mo. Bakit ba kasi isip ko ang sinunod ko? Bakit ba inisip ko ang sasabihin ng iba kung susundin ko ang puso ko? Dapat hinayaan ko nalang na husgahan ako ng iba at sinunod ko nalang ang tunay kong nararamdaman.

Antagal ko ring niloko ang lahat. Ang tagal ko ring niloko ang sarili ko. Pinaniwala ko ang sarili kong mahal ko si Jes, bakit ko nga ba hindi siya mamahalin? Kahit sinong babae siguro ang ligawan niya ay 'di na magdadalawang isip pa. Mayaman, gwapo, gentleman, mabait ang pamilya, at ipagmamalaki ka sa lahat at sasabihing mahal na mahal ka niya. Perfect na nga kung tutuusin.

Pinilit ko, ginawa ko ang lahat. Inisip ko lahat ng magandang bagay sa kanya, lahat-lahat. Halos wala akong masabing masama kay Jes. Pero hindi ko parin siya magawang mahalin. Naging kami nga sa pagbabakasakaling mamahalin ko rin siya pagtagal ng panahon, pero wala paring nangyari. Hindi ko parin siya natutunang mahalin kahit na umabot kami ng tatlong taon.

Oo. Tatlong taon nga na naging kami. At sa tatlong taon naming dalawa, hindi ko man siya nagawang mahalin hindi naman ako nagtaksil sa kanya. Ayoko rin naman na masaktak ko siya. Alam ko kung gaano niya 'ko kamahal at hindi niya nakakalimutang sabihin at iparamdam 'yon sa'kin.

Matagal niya akong niligawan bago ko siya sagutin ng oo. Nagdadalawang isip pa nga ako kung dapat nga bang oo ang isagot ko. Naaalala ko pa 'yung araw na 'yon halos mapisa ako ng malalaki niyang braso sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Naiangat pa nga niya ako nu'n. Ako naman 'di ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko, masaya ako kasi nakikita ko ang talagang napakasayang si Jes nung araw na 'yun pero meron din sa kaloob-looban kong nasasaktan.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko magawang mahalin si Jes? Gustong-gusto ko siyang mahalin. Kung kaya ko lang sanang turuan ang puso ko na siya na ang ibigin at pangalan nalang niya ang maging tunog ng bawat tibok nitong puso ko.
Pero may sariling utak ata sa loob ang puso ko, pano ba naman ilang taon narin ang lumipas hindi parin siya nakakalimot. Yung tinitibok niya noon yun parin ang tinitibok niya hanggang ngayon. Pisting puso to! Magka-amnesia ka sana.

Kailan lang sinama ako ni Jes sa Sa outing ng pamilya niya. Nakakatuwa talaga ang lahat ng relatives niya, ang gaan-gaan ng loob nila sa'kin at ganu'n 'din naman ako sa kanila. Akala ko magiging ordinaryong bakasyon lang 'yun tulad ng mga dati pero hindi.

"Alam mong mahal kita Ling right?" tanong niya sa'kin na agad ko namang tinanguan. Nakangiti pa ko ng tumango, alam ko kasing mahal na mahal niya ako.

Shorts! (Maiikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon