Regalo kay Leo

270 11 14
                                    

PUBLISHED part of TIMELESS - under PNY16 (Self-Publishing Group)

PUBLISHED part of TIMELESS - under PNY16 (Self-Publishing Group)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

Yakap-yakap ni Yolly ang asawang si Herman habang nakahiga sila sa kanilang kama. Hating gabi na pero hindi parin sila nakakatulog pinag-uusapan parin kasi nila kung anong pwede nilang gawin sa nalalapit na kaarawan ng kanilang ampon na si Leo. Tatlong taon palang nilang naaampon ito at taon-taon nilang pinaghahandaan ang kaarawan nito.

"Malaking handaan ulit?" Tanong ni Herman sa kanyang asawa habang hinihimas pa ang mahaba at mapuputi nang buhok ng asawa.

"Katulad noong nakaraang taon. Matagal na nating kilala 'yang si Leo, engrande man o maliit na salo-salo lang ay matutuwa na yun." Sagot ni Yolly sa asawa.

"Tama ka." Tugon naman ni Herman.

Hindi na nagsalita pa si Yolly nanatili itong nakayakap sa asawa habang pinagmamasdan ang mukha nito. Bakas na ang katandaan, may kulubot na ang mukha, at ang bigote at balbas naman nito ay halos puti na rin. Napaisip tuloy si Yolly.

"Matanda na tayo mahal." Biglang salita ni Yolly.

"Ganun naman talaga mahal, noon pa nakatakda na tayong tumanda. Pero ikaw, maganda ka parin tulad dati." Bulong naman ni Herman sa asawa na sinundan naman niya ng pilyong ngiti.

"Bolero ka parin, 'yan ata ang natatanging katangiang hindi na lilipas pa sayo." Sabi ni Yolly na mas hinigpitan naman ang yakap sa asawa na natatawa naman.

"Eh mahal, ano naman ang ireregalo natin kay Leo?"

"Hindi ko pa rin alam." Napapaisip naman siya kung ano nga ba ang puwede.

"Ano niregalo niya sa'yo nung birthday mo?" Tanong ni Herman.

"Yung gustong-gusto kong sapatos. Sinabi ko sa'yo noon 'yun hindi mo naman binili, si Leo pa tuloy ang bumili." May pagkukunyaring tampo namang sagot ni Yolly.

"Ito naman, ang tatanda na natin nagtatampo ka pa nang ganyan. Binilihan naman kita ng alahas nun. Ang mahalaga di ko nakalimutan ang kaarawan mo." Pang-aalo naman ni Herman.

"Oh siya sabi mo eh. Bakit mo ba natanong kung anong iniregalo niya." Tanong ni Yolly.

"Wala naman. Iniisip ko kasi kung ano nga ba ang ireregalo natin sa kanya. Ang hirap kasi niyang regaluhan, parang lahat kasi ay nagkaroon na ata siya." Paliwanag ni Herman.

"Parang ganun na nga." Pagsang-ayon naman ng asawa.

"Naalala ko lang, yung naging bakasyon nating dalawa noong kaarawan ko sa isang pribadong isla sa palawan. Iniregalo rin sa'kin 'yon ni Leo. Gustong-gusto kong puntahan ang islang 'yon nang makita ko iyon sa internet. Kinukulit pa nga kita noon pero ayaw mo, pumayag ka lang dahil nung sinabi ko ulit sa'yo ay may ticket na akong hawak. Na galing naman kay Leo " Kwento ni Herman.

"Anong Ibig mong sabihin mahal?" May pagtatakang tanong ni Yolly.

"Ang ibinibigay ni Leo tuwing kaarawan natin ay 'yung pinakagusto natin. Ganun din nung mga nakalipas na taon hindi ba?" Tanong ulit ni herman na tinanguan naman ng kanyang asawa.

Shorts! (Maiikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon