--Nakatulala si Gidget sa mga bulaklak na itinanim niya, iyon kasi ang paborito ng kaniyang ama. Tanging ang bulaklak na iyon lang kasi ang nagpapakita sa kanya ng magagandang alaala nito. Kaya naman itinanim niya iyon, kahit papaano'y gusto parin niyang alalahanin nang positibo ang ama.
Isang taon na rin ng mawala ang kanyang ama-si Dr. Barry Queen, isang henyo sa larangang ng kimika, byolohiya, at pisika, na sikretong nagtrabaho sa departamento ng siyenya at teknolohiya ng gobyerno para gumawa ng mga armas na pandigma. Pero may iba pang nagawa si Dr. Barry Queen na higit pa bilang armas at tinawag niyang PROJECT GUMAMELA, ipinangalan sa paborito niyang bulaklak. Likido ito na pangunahing sangkap sa paggawa ng di pangkaraniwang taong nagtataglay ng di kapanipaniwalang kapangyarihan. Isa si Gidget sa dalawang taong ginamitan ng kanyang ama nito kasama ang kanyang matalik na kaibigan at assistant ng kanyang ama na si Hal.
Si Gidget at Hal ang patunay na tagumpay ang PROJECT GUMAMELA. Si Gidget na kayang mag-anyo nang kahit anong uri ng hayop ang isipin niya at makausap ang mga ito, dahil ito sa DNA ng mga hayop sa mundo na inilagay ng kanyang ama ng ikulong siya sa isang silyadong kwarto na expose sa likido ng proyekto. samantalang si Hal naman ay kayang paapoyin ang katawan at kontrolin ang apoy, sinunog naman ito habang nasa loob nang silyadong kwarto na may likido ng proyekto ng doktor, kaya niya nakuha ang ganoong kapangyarihan.
Pero nang malaman ni Dr. Queen na balak gamitin ng gobyerno ang kanyang proyekto para manakop ng ibang mga bansa imbis na pangdepensa lamang, hindi na niya ipinaalam na nagtagumpay ito. Pinlano niya na gawing sikreto nilang tatlo ng anak niya at ni Hal ang tungkol dito. Ipinasunog niya kay Hal ang kabuoan nang kanyang laboratoryo at nagpasiya silang magtago dala ang natitirang isang litrong bote ng proyekto.
Lumayo sila sa kabihasnan pero hindi kinaya ni Hal ang ganung pamumuhay, binalak niyang nakawin ang natitirang likido para gamitin ito sa pansariling intensyon, pero nahuli siya ng doktor at napatay niya ito gamit ang kanyang apoy. Binato niya ito ng binato ng kanyang bolang apoy. Nakita ni Gidget ang naglalagablab niyang ama gusto niya itong iligtas pero naalala niya ang bilin nito-kailangan niyang ilayo ang PROJECT GUMAMELA sa magbabalak kumuha nito at 'yon lang ang dapat niyang iligtas. Umiiyak na nag-anyong unggoy si Gidget, kinuha niya ang bote ng proyekto ng ama at tumakbo patungo sa malapit na gubat. Napansin iyon ni Hal na agad sinundan ang anyong unggoy na si Gidget pero hindi niya ito inabutan at sa sobrang inis ay halos nasunog niya ang buong gubat na 'yon.
---
"Gidget!"
Nawala ang atensyon ni Gidget sa mga bulaklak, nagulat siya ng biglang sumulpot sa harapan niya si Hal. Nag aapoy ang ulo at ang mga kamay nito, tila nakaambang paulanan siya ng apoy.
"Pa-pano mo ko nahanap?" Gulat na tanong ni Gidget. "Tumigil ka na! Wala na ang proyekto ng Ama ko, tinapon ko na.""Madali ka lang mahanap. Amoy na amoy ko ang baho ng pagiging hayop mo." Pang-aasar nito. "Ibigay mo na sakin ang bote " Bulyaw pa ni Hal.
"Hindi!" Sigaw ni Gidget kasabay ng pagpapalit anyo nito bilang lobo . Galit na galit at nakalabas ang pangil nang itsurang malaking aso na si Gidget.
"Hahaha!" Malakas na tawa ni Hal. "Anong magagawa niyan sa kaya kong gawin? Nakakaawa ka Gidget. Binigyan ka ng kapangyarihan pero wala namang kwenta." Usal ni Hal pagkatapos ay agad na binato ng bolang apoy ang malaking aso na nasa harapan niya.
Malakas ang naging pag-atungal sa sakit ng lobong si Gidget. Agad itong natumba at bumalik sa tunay niyang anyo.
"Kala mo ba hindi ko malalaman kung saan mo itinago?" natatawang pahayag ni Hal, nakatingin lang siya kay Gidget habang papalapit dito at bigla ulit itong bumato ng kanyang apoy. Napaiwas si Gidget pero hindi tumama sa kanya ang apoy kundi sa itinanim niyang halaman, ang bulaklak na paborito ng kanyang ama.
"Alam kong d'yan mo tinago... Inilibing mo ba dahil hindi mo nailibing ang ama mo?" pangungutya nito kay Gidget na wala nang nagawa kundi ang panoorin ang pagbunot ni Hal sa tinanim niyang halaman at kinuha nito ang Bote ng PROJECT GUMAMELA na balot na ng mga ugat ng halaman. "Sa susunod na humarang ka pang muli sa plano ko, sisiguraduhin kong pagsasamahin ko ang abo niyo ng ama mo." banta ni Hal, pagkatapos ay agad nang umalis.
Naiwang mag-isa si Gidget, tumatak sa isip niya ang sinabi ni Hal. Wala ngang kwenta ang kapangyarihan niya kumpara sa apoy ni Hal, pero hindi siya dapat mawalan ng pag-asa malaking delubyo pag ginamit ni Hal ang proyekto ng kanyang ama. Bumaling naman ang atensyon niya sa bulaklak ng gumamela sa harapan niya naalala niya ang kanyang ama kaya agad siyang nabuhayan. Nagpalit siya ng anyo ng isang cheetah at agad na tumakbo para sundan si Hal.
Mabilis ang naging pagtakbo ni Gidget, malayo na si Hal pero naabutan pa rin niya at agad na sinunggaban. Napahiga naman si Hal sa ginawa ni Gitget at tila nabigla sa mistulang malaking pusa na nasaharapan niya pero agad din naman bumalik sa ulirat at sinimulan itong batuhin ng kanyang apoy.Napaatras si Gidget pero hindi nito ininda ang apoy at nagpalit ulit ng anyo bilang isang Leon. "RAAARW!" Dagungdong nang hiyaw ni Gidget at agad na umatake kay Hal na tila natulala sa hiyaw ng leon at wala ng nagawa kundi ipansalag ang boteng kanyang hawak na nabutas naman dahil sa matutulis na kuko ng Leon.
Nang makita ni Gidget ang nangyari ay lalo itong nagalit at walang awang pinagkakalmot si Hal. Nang makita niya na wala na itong buhay ay bumalik na siya sa kanyang anyo at pinagmasdan ang bote ng proyekto ng kanyang ama na wala ng laman.
Ngayon nasa hangin na ang PROJECT GUMAMELA at kailangang hanapin ni Gidget ang mga taong mabibigyan ng kapangyarihan nito para hindi gamitin sa masama.
THE END
@iaNBelen13
APRIL 29, 2016
Prompt B
Dedicated to aftermat
BINABASA MO ANG
Shorts! (Maiikling Kwento)
ContoCompilation ng mga maiikling kwento sa iba-ibang genre. Cover by : @searchandrescue (c) 2015