02

112 10 26
                                    

END OF FLASHBACK

May tumigil sa harapan ko na isang taxi para itanong kung sasakay ba ako, pero tanging iling lamang ang aking naisagot.

Wala akong balak umuwi sa apartment ko ngayon, dito ako magpapalipas ng gabi sa harap ng simbahan.

Kasi naman!, 'yung savings ko para sa tuition fee ngayong taon nagastos ko sa pagbili ng motor na gusto ni Zach. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok at tsaka nagumpisang magsisi.

Ilang oras din akong nakaupo sa bench habang nakatulala, i feel like the world has no place for me, I notice that he deprives me of all the things I want, all the things I love, eventually they also leave me.

When I noticed that the sun was setting, I went to the bus stop to wait for a ride, my life seemed to be back to its previous cycle, I kept thinking that I didn't deserve to live, it was boring to live with the pain I was experiencing.

I didn't do anything bad in my relationship with Zach, I always tried my best to be a good girlfriend, I wasn't even able to cheat or do something that would make him angry, except for the things he wants that I can't buy and sometimes I buy wrong, so why do these things happen to me?

Meron naman d'yang mga taong mas deserve ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaya bakit ako?

Mga ilang minuto na ako ritong nakatayo pero mukhang wala na yatang titigil dito na bus, kaya mas pinili ko na lamang ang mag taxi.

Nakayuko lamang ako habang patuloy sa paghikbi, nang alam ko ng humuhupa na ang luha ko ay iniangat ko na ang aking paningin. Doon ko lamang napansin sa gilid ko na may kasabayan din pala ako, isang lalaki na aakalain mong isang celebrity na may tinataguan na mga paparazzi dahil sa suot niyang facemask at sumbrero.

He was busy writing on his handkerchief. Though I don't care what he's doing, that's not my business, so why bother by the way?

"Napakawalang-hiya mong lalake ka!, Anong magbago-magbago ka d'yang nalalaman! Ibalik mo ang mga perang nagastos ko sa'yo, Ulol!." inis na bulong ko sa hangin.

Nakita kong napatingin saglit 'yung lalaki na katabi ko, akala niya yata ay s'ya ang kinakausap ko. Ngunit bago pa man magtagpo ang mga mata namin ay agad na siyang umiyas. Weird.

Napasinghot na naman ako, imagine ilang taon ng buhay ko ang aking sinayang para lamang sa kaniya tapos all this time kinahihiya niya pala ako. How cruel.

Kung sana noong kaka-kilala pa lamang namin eh inamin na agad niya 'yon. Edi hindi ko sana siya sinagot noong nanligaw siya.

Out of nowhere nagulat na lamang ako ng bigyan ako ng panyo nitong katabi ko. Siguro ay naiingayan na sa akin dahil sa kakasinghot ko dito sa may sulok.

Nakasuot ito ng hoodie at naka-medical face mask na pinartneran ng sunglass. Kaya hindi ko maaninag ang mukha niya maging ang mga mata niya.

Iniabot niya sa akin 'yong panyo na hinugot niya pa sa bulsa ng pantalon nito.

"Broken?" umpisa niya. That was a nice voice, too deep. Tanging pagtango lamang ang aking naisagot tsaka ipinahid sa luha kong patak ng patak ang panyong iniabot niya sa akin.

"If you don't mind can I ask why?" sambit niya.

Napahinto ako sa pagpunas ng mga luha ko at tumingin sa driver na nakapukos sa pagmamaneho. "Yeah, sure, why not," pagsang-ayon ko. Wala namang mawawala kung maglalabas ako ng sama ng loob sa taong hindi ko kakilala, kasi ano naman?, hindi naman na kami ulit magkikita kaya why not 'di'ba?

"He doesn't want to continue our relationship because of my physical appearance, is it my fault that I was born like this? that I grew up like this?" umpisa ko.

Unwritten Destiny (LOSS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon