05

68 9 29
                                    

"Carms!" tawag sa akin ni Karay habang nangangalkal ng kung ano sa aparador ko dito sa aking kwarto.

Taga gulo siya habang ako naman ang taga-ayos ng mga bagay na ginugulo niya. Kung hindi ko lamang talaga siya kagrupo sa group project na ipapasa sa makalawa ay kanina ko pa siya itinaboy pabalik sa room niya.

Naiinis na talaga ako sa kaniya kung hindi ko lamang siya kaybigan ay...... Naku!

May aparador din naman siya sa kaniyang apartment, ba't hindi iyon ang kalkalin niya? bakit 'yong akin pa?, mabuti sana kung tinutulungan niya akong magtiklop, e. Kahit diyan na siya sa aparador ko tumira walang problema sa akin 'yon ang kaso hindi e.

"Oh, ano na naman?" masungit kong tanong dito habang patuloy pa rin sa pagtitiklop. Patago ko itong inirapan sa hangin, kahit talaga kailan isa siyang malaking salot sa buo kong pagkatao.

"Nakakainis iyang si Tyrone ano?, Akala ko talaga ay kung sinong Adonis iyon. Ayon pala ay si Mr. Salot lang." inis niyang wika tsaka humalukipkip.

Mas nakakainis ka pa kaysa sa kaniya.

"Sa susunod kasi huwag ka nang maniwala sa binabae na iyon mapapahamak ka lang talaga, pati ako nadadamay." gatong ko.

"Pero Carms!, Ano kamusta ang atay at balun-balunan ko masakit pa rin ba?" ngiting-ngiti niyang tanong sa 'kin.

Binato ko siya ng isang tumbon ng damit na kakatapos ko lang matiklop na tinawanan lamang niya.

"Ikaw talaga, kaybigan ba kita?, Wala ka ng katahimikan, ayos lang ang puso ko maliwanag! Kahi--," galit na anas ko sa kaniya kulang na lamang ay umusok ang ilong at tenga ko.

Kinalimutan ko na nga, ibinabalik niya pa.

Sumingit at itinuloy ni Tyrone ang dapat sana ay sasabihin ko, habang may dala na grocery bag dahil siya mismo ang bumili ng supplies ko para sa buong linggo nang hindi ko pinipilit, "Kahit na nakita mo siya na nagda-drive sa motor na iniregalo mo sa kaniya noong birthday niya na dapat ay pambayad mo sa tuition fee mo, habang nakayakap sa beywang ng ex mo ang ika mo nga ang 'BFF' mo?"

Tuluyan na siyang nakapasok sa apartment ko tsaka nilampasan kami sa sala at dumiretso sa kusina para ilagay sa ref ang mga pinamili niya.

Tumikhim ako upang itago ang sakit, kung hindi ako nagkakamali ay si Penny ang ipinalit sa akin ni Zach, ang childhood best friend ko hanggang ngayon at mayaman pati na rin maganda.

"Nasa kaniya na ang lahat kaya hindi naman na nakakapagtakang patulan siya ni Zach." ani ko.

Hindi ko talaga matanggap kahit saang anggulo ko tingnan bawat side masakit.

Si Penny pa naman ang naging dahilan kung bakit ako napansin ni Zach, ako kasi ang messenger nilang dalawa noong mga panahon na umamin si Penny na gusto niya ito ngunit hindi ko inaasahang sa akin ang bagsak ni Zach. Hindi ko talaga inaasahan ang bagay na iyon siguro ay binabawi lamang niya kung ano ang kaniya na hindi ko matanggap.

Kaya pala hindi na pumupunta ng club si Penny para makipag-one night stand sa mga lalaki kasi may Zach na siya.

Pero ano pa bang magagawa ko, mahigit dalawang buwan na kaming wala at siguro hindi naman siya nasaktan sa nangyaring break up na iyon kaya dapat ganoon din ako para patas.

"Kapag talaga kami nagkita ulit ni Zach, babawiin ko lahat-lahat ng ibinili ko para sa kaniya."

"Tama", "Go Tony!" sabay na gatong sa akin ng dalawang nagsusubuan na ng pizza na inorder ni Tyrone, inalok niya pa ako gamit ang paglapit sa bibig ko ng pizza ngunit tinanggihan ko dahil susubuan ko sana dapat si Zach ang kaso ayaw niya 'yon pala dahil makikipag-break na.

"Ikaw naman kasi Tony! Bakit ka nagpauto?, Siguro kung hindi mo siya ibinili ng motorsiklo, ng bagong labas na cellphone pati na rin kung hindi mo binayaran tuition fee ng mokong na iyon, milyonaryo ka na sana!" panenermon sa akin ni Tyrone habang ngumunguya.

"Hoy, nakikinig ka ba?" tanong sa akin ni Karay. Sinimangutan ko lamang sila at nagpatuloy sa pagtitiklop.

"Sure akong hindi nakikinig iyan, nasaktan, e." puna ni Tyrone tsaka binuksan ang panibagong box ng pizza.

"H'wag niyo na lang sila pakialamanan! Bakit hindi 'yong mga buhay niyo ang gawin niyong topic?" wika tsaka pumunta sa lababo at naghilamos ng mukha.

"Kawawa naman, selos ka lang!" kantiyaw nilang dal'wa sa akin ngunit hindi ko na lamang pinansin.

Nakakainis talaga ang tadhana kung kailan unti-unti na akong nakaka-move on sa panggagago sa akin ni Zach tsaka naman kami nagkita, hindi pa siya nakuntento at talagang nagtawag pa ng backup para lamang saktan ako.

Wala akong kaalam-alam na may namamagitan na pala sa kanila kasi noong umalis ako sa Sitio na iyon ay lagi ko pang kasama si Penny hanggang kahapon. Hindi ko alam na may ganoon na pala at noong minsan na tinanong ko siya kung gusto niya pa rin si Zach ay hindi na raw kasi masyado raw mataas ang standards niya sa lalaki. Halos magkamukha na sila.

Ngiting-ngiti naman si Zach habang nakayakap sa kaniya si Penny, mabuti na lamang at nasa madilim kaming bahagi ng kalsada kaya hindi nila kami napansin.

Inilihis ko sa ibang direksyon ang aking paningin upang ibahin ang iniisip ngunit si DaeChen ang aksidenteng pumasok dahil nakakasagad na talaga siya ng pasensya, hindi na nagbago malakas pa ring mang-asar, pati ba naman buhok ko ay pinupuna niya, para raw kasing walis tambo kuno kaysa naman sa buhok niyang naka-side view 'pag gabi tapos parang bao naman kapag umaga.


Nakakagigil talaga siya. Hindi talaga nakukumpleto ang araw niya kapag hindi kami napagti-tripang mga.

Unwritten Destiny (LOSS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon